Chapter 6

61.2K 1.1K 37
                                    



Enjoy reading!

Nagising ako dahil mayroong nakadagan sa akin at nahihirapan akong huminga. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at mukha ni Harvey na agad kong nakita at sobrang lapit pa niya. Nasa ibabaw ko siya habang abala sa paghahalik sa buong mukha ko. At dahil sa gulat ay bigla ko siyang itinulak papalayo sa akin. Nang tuluyan na siyang lumayo ay tiningnan niya ako na para bang nagtataka sa ginawa kong pagtulak sa kanya.

Wala siyang saplot sa katawan at kitang kita ko ang nang-aakit niyang katawan. At lalo na ang alaga niya sa ibaba na ngayon ay mukhang mabubuhay na naman.

Agad kong kinuha ang kumot at ibinalot ang sarili ko roon. Tanging bra at panty lang ang suot ko sa ilalim ng kumot. At naalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Napatakip ako ng kumot dahil sa katangahang nagawa ko. Hindi naman ako lasing kagabi pero nakakahiya ang ginawa ko.

"Good morning, love." Bati niya. Tinanggal ko ang kumot sa aking mukha at tiningnan siya. Nakatayo siya malapit sa may sofa at nakabihis na.

"U-umalis ka na rito dahil magbibihis ako." Pagtataboy ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti na para bang isang nakakatawa ang sinabi kong iyon.

"Aling parte pa ba ng katawan mo ang hindi mo pa naipakita sa akin kagabi?" Nakangiti niyang tanong. Kahit kailan talaga ang bastos ng bunganga nito. Hindi na lang ako sumagot na dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan at ayaw ko ng maalala pa ang nangyari kagabi dahil ikinakahiya ko ang sarili ko.

Hawak-hawak ko ang makapal na kumot na nakabalot sa aking katawan ay bumangon ako at dali-daling naglakad papunta sa may pinto ng banyo kahit na ramdam ko ang sakit sa gitna ko.

"Why are you hiding your body? I saw that last night, love." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Kung malapit lang ang unan sa akin ay kanina ko pa 'yan binato. Napaka daldal. Parang hindi lalaki.

"Alam mo mas mabuti kung lumabas ka na lang dito. Ang daldal mo." Inis kong sabi. Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ay narinig ko pa siyang tumawa na ikina-inis ko.

Nang makapasok ako sa loob banyo ay agad ko ng tinanggal ang kumot sa aking katawan at sinigurado kong naka-lock ang pinto. Baka kasi bigla na lang siyang pumasok. Naka hubad pa naman ako rito.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa may shower at agad na binuksan iyon. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa malamig na tubig na pumapatak sa aking balat. Ilang minuto rin ang itinagal ko sa shower kahit na medyo malamig ang tubig na lumalabas roon. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit sa ibaba ko sa tuwing igagalaw ko ang aking hita. Mukhang hindi ako makakalakad nang maayos nito. Hindi ko akalain na ganito kasakit kapag first time.

Nang makuntento na ako sa paligo ko ay pinatay ko na ang shower at ngayon ko lang naalala na wala pala akong dalang tuwalya man lang dito sa loob ng banyo. Tanging kumot lang ang binalot ko kanina sa aking katawan. Napahilamos ako ng mukha dahil sa katangahan ko. Sana lang ay hindi bumalik ng kwarto si Harvey.

Kinuha ko ang kumot at muling ibinalot ang sarili ko. Pagkaraan ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa may pintuan at binuksan ang pinto at sumilip kung naroon ba si Harvey. Nang makita kong wala namang tao ay mabilis akong lumabas ng banyo. Siguro ay nasa kusina siya at nagluluto. O hindi kaya ay umalis na.

Napatingin ako sa may sofa ngunit wala roon ang mga tinupi kong damit na binili ni Harvey kahapon. Iyon sana ang susuotin ko ngayong araw dahil wala na talaga akong maisuot. Nasaan na kaya ang mga iyon? Sunod kong pinuntahan ay ang mga cabinet ngunit wala rin doon. Bumalik ako sa kama at umupo na lang doon. Kailangan kong makahanap ng pwede kong suotin. Saan ko ba kasi nilagay ang mga damit na 'yon.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon