Chapter 17

43.2K 770 12
                                    


Enjoy reading!

Nagising ako sa isang puting kwarto at alam ko na agad na nasa hospital ako. Naalala ko ang nangyari sa akin kanina. At napatingin ako sa tabi ko nang may nagsalita.

"Hey, gising ka na pala. May masakit ba sa 'yo?" Tanong ng isang lalaki. Siya siguro ang tumulong sa akin kanina. Ngunit bigla akong natakot nang makita ko ang suot niya. Naka-itim siya lahat na damit na parang katulad ng kay Harvey.

"W-wala. Okay na ako." Sagot ko.

"Mabuti naman. By the way, I'm Kyle Tarcena and you are?" Pagpapakilala niya.

"Abigael Mendez ang pangalan ko. Salamat ng pala sa pagdala sa akin dito." Sabi ko.

"No problem, Abigael." Sagot niya. Napatingin naman kami sa pinto nang pumasok doon ang isang doctor at nurse.

"Hello, Miss Abigael." Pagbati ng doctor. Napakunot-noo ako kung paano niya ako nakilala.

"P-paano niyo po ako nakilala?" Tanong ko.

"Nakita namin sa dala mong ID. Pasensya na at pinakialaman namin ang gamit mo." Sagot ng doctor.

"O-okay lang po." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Medyo okay na po ako, doc. Napagod lang po siguro ako kanina kaya ako nahimatay. Pwede na po ba akong lumabas rito? Baka po kasi malaki ang babayaran ko rito. Wala po akong pang bayad, doc." Sabi ko.

"Hija, huminahon ka muna. Huwag kang masyadong mag pagod dahil nakaka-apekto 'yan sa baby mo." Napalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng doctor sa akin. Sa baby ko? Buntis ako?

"A-ang ibig mo po bang sabihin na b-buntis po ako?" Tanong ko.

"Yes, Miss Abigael, you're three weeks pregnant. Congratulations." Nakangiting sabi ng doctor. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ng doctor o iiyak dahil isang kahihiyan ito para sa akin at baka pagalitan pa ako ni tita. Paano kung tatanungin ako kung sino ang ama ng batang 'to? Paano kung hindi ko siya kayang palakihin? Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Hey, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Kyle at agad akong nilapitan.

"Hija, kailangan mo munang magpahinga ngayon. Bibigyan kita ng reseta ng mga gamot na kailangan mong inumin." Sabi ng doctor at may binigay na papel kay Kyle. May mga sinabi pa siya kay Kyle bago lumabas ng pinto.

"Here, uminom ka muna ng tubig at huwag ka ng umiyak. You heard it. You're pregnant so stop crying." Sabi niya at inabot sa akin ang isang boteng tubig.

"Salamat." Sagot ko at inabot ang tubig na bigay niya. Agad ko namang pinunasan ang luha sa aking pisngi.

"Ang sabi ng doctor ay pwede ka na raw lumabas bukas. And don't worry about your hospital bills at sa mga gamot na nireseta sa 'yo. I will pay." Sabi niya.

"Nakakahiya man pero ayaw kong tanggihan 'yan. Hayaan mo kapag nakahanap na ako ng trabaho ulit babayaran kita." Sagot ko na ikinatawa niya.

"Sino ba ang nagsabi sa 'yo na sisingilin kita?" Natatawa niyang sabi.

"Ah, basta babayaran kita. Nakakahiya sa 'yo." Sagot ko. Hindi na siya sumagot pang muli at ngumiti na lang.

Pagkalabas ko ng hospital kinabukasan ay hindi pa rin ako iniwan ni Kyle. Kahit pa sinabihan ko na siya na kaya ko ng umuwi mag-isa ay hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. Sinabi ko na rin kay Jarenze na nasa hospital ako at nakalimutan kong sabihin sa kanya na huwag ipaalam kay tita. Kaya nang malaman ni tita na nasa hospital ako ay nataranta siya at mabuti na lang naroon si Jarenze upang alalayan si tita. Ngunit hindi ko sinabi na buntis ako.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora