Chapter 33

37.8K 638 36
                                    



Enjoy reading!

"Bakit ganon ang sinabi mo sa mga magulang mo?" Bulyaw ko sa kanya nang umalis na ang kanyang mga magulang. Ngunit parang wala siyang naririnig. Kanina pa ako salita nang salita rito ngunit parang hangin lang ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya sa pinapanood niya sa tv.

Pagkaalis ng mga magulang niya ay agad akong nagbihis dahil hindi ako komprtable sa suot kong dress.

"Harvey, naririnig mo ba ako?" Naiinis kong tanong. Tumingin siya sa 'kin.

"Of course." Sagot niya.

"Sabihin mo nga ang totoo. Akala ko ba girlfriend lang at bakit naging fiance?" Tanong ko.

"Bakit, ayaw mo?" Tanong niya.

"Sino ba ang may gusto?" Sagot ko.

"Ako." Maikli niyang sagot.

"Wala talaga akong maaasahang sagot sa 'yo. Sabihin mo sa mga magulang mo na hindi totoo na mag fiance tayo. Dahil kung hindi mo sasabihin iyon ay mas  mabuti kung itigil na lang natin itong pagpapanggap nating 'to." Sabi ko at agad na kinuha ang bag ko at lumabas na ng bahay niya.

Tinatawag pa niya ako ngunit diretso lang ako sa paglalakad palabas ng gate niya. At habang naglalakad ako palabas ng subdivision ay hindi ko napigilan ang mga luha ko. Hinding hindi na ako ulit babalik pa sa kanya. Ayoko na ulit maranasang masaktan ng ganon.

Napatingin ako sa gilid ko nang mayroong sasakyan na huminto at bumukas ang bintana. Mukha ni Kyle ang nakita ko. Agad kong pinunasan ang luha ko sa aking pisngi.

"Ma'am Abigael, sumakay na po kayo." Magalang niyang sabi at sinasabayan ang paglalakad ko gamit ang sasakyan niya.

"Umalis ka na, Kyle. Kaya kong maglakad." Sagot ko.

"Pero, ma'am, pagagalitan ako ni Sir Harvey kapag hindi ka sumakay. Baka patayin ako." Natatakot niyang sabi. May kasalanan din 'tong lalaki na 'to sa akin noon. Hindi niya sinabi na tauhan siya ni Harvey at pinasok pa ako sa kompanya ni Harvey noon. Naglakad ako papunta sa front seat at agad na binuksan ang pinto at pumasok sa loob. At habang bumabyahe kami ay agad ko siyang kinausap.

"Bakit hindi mo sinabi noon na tauhan ka ni Harvey nang tinulungan mo ako?" Tanong ko.

"Baka po kasi tanggihan mo ang pagtulong ko sa 'yo. At baka hindi ka magtrabaho kapag sinabi kong kay Sir Harvey ang kompanya na 'yon." Paliwanag niya.

"Pare-parehas lang naman kayo ng amo mo." Sagot ko na ikinatahimik niya.

Pagdating ko kinabukasan sa office ni Mr. Lagatuz ay agad niya akong kinausap.

"Good morning po, sir." Pagbati ko. Nakita kong parang problemado siya. Dahil nakahawak siya sa kanyang noo at minamasahe iyon.

"Good morning. Abby. I need your help." Malungkot niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko. Ano ba ang maitutulong ko sa kanya?

"Bakit po, sir? Ano po iyon?" Tanong ko.

"Abby, hindi ba at magkakilala kayo ni Mr. Sandoval?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Opo, sir." Sagot ko.

"Sinisingil na kasi ako ni Mr. Sandoval ng utang ko sa kanya, hija. Kung maaari sana ay kausapin mo siya tungkol sa utang ko kung pwedeng sa susunod na lang ako magbabayad?" Sabi niya. Ibig sabihin totoo lahat ng sinabi ni Harvey. Na mayroong utang si Mr. Lagatuz sa kanya.

"S-sige po, sir. Susubukan ko pong kausapin si Mr. Sandoval." Sagot ko. Agad naman siyang ngumiti.

"Salamat, Abby." Nakangiti niyang sabi.

"Wala po iyon, sir. Malaki rin po ang naitulong mo sa akin kaya tutulungan ko rin po kayo sa abot ng makakaya ko. Mamayang uwian ko na lang po siya kakausapin." Sagot ko. Tumango lang siya at ngumiti sa akin. Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na ako ng office niya at pumunta sa lamesa ko.

Pagsapit nang hapon ay agad ko ng niligpit ang mga gamit ko at pagkatapos ay naglakad na palabas ng building at pumara ng masasakyang taxi patungo sa kompanya ni Harvey. Sana lang ay naroon pa siya.

Ilang minuto lang din naman ang byahe bago makarating sa kompanya ni Harvey. Agad akong pumasok at nagtanong sa reception desk.
"Excuse me, miss, nandito pa ba si Mr. Sandoval?" Tanong ko. Ngunit hindi kaagad siya nakasagot dahil parang nagulat siya nang makita ako. Bakit sa tuwing nakikita nila ako rito sa company ni Harvey ay parang gulat na gulat sila?

"O-opo, ma'am. Punta lang po kayo sa thirteenth floor." Mabilis niyang sagot.

"Thank you." Sagot ko at naglakad na papunta sa elevator.

Nang makarating ako sa thirteenth floor ay nakita ko ang babae na naghatid sa amin noong nakaraan sa conference room. Siya ba ang secretary ni Harvey rito? Lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa 'kin at para bang nagulat nang makita ako katulad din ng nangyari sa pinagtanungan ko kanina sa baba.

"Hello, nandyan ba si Harv---este Mr. Sandoval?" Tanong ko sa kanya.

"Yes po, ma'am. May kailangan po ba kayo sa kanya?" Tanong niya.

"Oo sana. Pwede ba pumasok?" Paalam ko.

"Opo, ma'am. Pwede po." Mabilis niyang sagot. Tumayo siya at sinamahan ako patungo sa pinto ng office ni Harvey. Kumatok muna siya bago niya binuksan.

"Sir, narito po si Ma'am Abigael." Magalang na sabi ng secretary niya. Talagang kilala na ako ng secretary niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin siya sa akin at pinapapasok na ako sa loob.

"Salamat." Sabi ko. Tumango lang siya at agad na bumalik sa kanyang lamesa.

Nang makapasok na ako sa loob ng office ay nakita ko si Harvey na diretso ang tingin sa akin. Agad niyang sinarado ang laptop niya at ngumiti sa akin.

"Hi, love." Pagbati niya.

"Pwede ba tayo mag-usap?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Tungkol saan?" Tanong niya.

"Tungkol sa utang ni Mr. Lagatuz sa 'yo." Sagot ko.

"Haev a seat." Seryoso niyang sabi at itinuro ang bakanteng upuan na kaharap niya. Agad akong umupo roon.

"Ayoko ng tumagal dito. Kung maaari ay bigyan mo ng palugit ang pag bayad ni Mr. Lagatuz ng utang sa 'yo. Alam mo naman na inaayos pa niya ang kanyang kompanya." Pagsisimula ko.
"Anong kapalit?" Kumunot ang noo ko sa tanong niyang 'yon. Anong ibig niyang sabihin?

"Wala. Bakit, lahat na lang ba sa 'yo may kapalit, Harvey?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Yes, of course. This is business, love. Kailangan may pakinabangan din ako sa hinihiling niyo." Seryoso niyang sagot.

"Bigyan mo na lang ng tubo ang utang niya." Sabi ko na ikinatawa niya.

"Hindi ko gawain 'yan, love. Ibang kapalit ang gusto ko." Nakangiti niyang sagot.

"Ano?" Tanong ko.

"Marry me, Abigael." Hindi kaagad ako nakapag salita sa sinabi niya. Akala ba niya madali ang kapalit na gusto niya? Ang kapal naman ng mukha niya para alukin ako ng kasal matapos nang nangyari noon sa amin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyaring 'yon sa buhay ko. At sinisisi ko pa rin si Harvey at si Angelica sa pagkawala ng anak ko.

"Hindi madali 'yang hinihingi mong kapalit, Harvey." Sabi ko at agad na lumabas ng opisina niya dahil sa luha na namumuo sa mata ko. Saktong paglabas ko nh opisina niya ay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.


Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now