Chapter 11

46.1K 822 4
                                    


Enjoy reading!

Huminto ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Kasing laki lang din ng bahay ni Harvey. Marami rin ang nagsisidatingan na mga mamahaling sasakyan at sakay roon ang mga mayayaman ding tao katulad ni Harvey. Makikikain lang talaga ako rito. Pinagbuksan ako ni Harvey ng pinto at inalalayan sa pagbaba sa kotse. Muntik pa ako matapilok kung hindi lang ako hinawakan ni Harvey sa baywang. 

"Hindi naman tayo magtatagal dito. Kaya mo pa bang tiisin ang sakit ng paa mo?" Tanong niya. Tumango lang ako.

"Are you okay, love?" Tanong niya muli.

"Oo, okay lang ako." Sagot ko.

"Okay. Let's go." Sabi niya habang nakahawak pa rin siya sa aking baywang. Mabagal lang ang paglalakad namin dahil alam niya na masakit na ang paa ko.

"Huwag kang lalayo sa 'kin." Bulong niya habang naglalakad kami sa mahabang hallway. At mayroong mga ilaw ng camera ang nakatutok sa amin at panay ang pitik. Kaya yumuko na lang ako. Marami ang tumatawag sa kanya na may hawak na mga camera ngunit hindi niya iyon pinapansin. Tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa loob ng mansion.

At mas lalo akong nahiya dahil halos lahat sila ay nakatingin sa amin. Mayroong nagbubulong bulungan habang nakatingin pa rin sa amin. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi naman kasi ganito kabongga ang party sa amin. Noon ay napapanood ko lang ang mga ganito sa mga fashion show event. Pero ngayon ay nararanasan ko na.

Halos lahat sila ay naka black tuxedo habang ang mga kasama nilang babae ay kung hindi itim ay pula ang suot na dress.  Parang wala lang kay Harvey na tinitingnan kami ng mga tao. Napaka seryoso ng mukha niya.

May lumapit sa amin na medyo matanda ng babae at lalaki.

"Harvey, long time no see." Sabi ng matandang babae. Kahit medyo matanda na siya ay halata pa rin ang maganda niyang mukha. Sana ganyan din ako kapag tumanda na.

"Good evening, Tita Marie." Bati naman ni Harvey at hinalikan niya sa pisngi ang ginang. Tiningnan naman niya ako kaya agad akong ngumiti sa kanya.

"How are you, hijo?" Tanong naman ng matandang lalaki. Kahit matanda na ito ay kita pa rin ang mestizo niyang mukha at halatang gwapo siya noong kabataan niya.

"I'm good, tito." Magalang na sagot ni Harvey.

"And who's this girl?" Tanong ng tita niya habang nakatingin sa akin.

"Tita, tito, I want to introduce you my girlfriend. She's Abigael." Pagpapakilala ni Harvey sa akin sa mag-asawa.

"Good evening po." Magalang kong pagbati sa kanila.

"Hi, hija. Nice to meet you." Nakangiting sabi ng ginang sa akin.

"Nice to meet you rin po. Ang ganda niyo po." Hindi ko na napigilan na sabihin iyon sa kanya na mas ikinangiti niya.

"Thank you, hija. Maiwan muna namin kayo. See you around." Paalam niya at umalis na sa harapan namin.

Inalalayan ako ni Harvey papunta sa bakanteng lamesa at pinaupo niya ako roon. Agad namang may lumapit na isang waiter inalok kami ng alak. Si Harvey na ang kumuha at inilapag niya iyon sa lamesa ngunit hindi ko iyon pinansin. Hindi naman ako umiinom ng alak. Baka isuka ko lang 'yan. Ang gusto ko ay pagkain. Hindi ba uso ang pagkain sa mga mayayaman? Tiningnan ko naman si Harvey na inisang lagok lang ang alak. Parang ginawa niyang tubig ang alak. Mabuti na lang at may lumapit ulit na waiter at may dalang pagkain na ikinatuwa ko. Ang akala ko ay puro na lang alak ang iaalok nila.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now