Chapter 30

39.6K 660 32
                                    


Enjoy reading!

After 5 years…

Naging maayos ang pagtatrabaho ko sa Dubai. Buwan-buwan ay pinapadlhan ko si tita ng pera para sa maintenance niya at para na rin makatulong sa mga kailangang bilhin ni Jarenze katulad ng mga pagkain. Napaka suwerte ko sa kanya dahil tinuring niyang parang pamilya ang tita ko at hindi niya pinabayaan.

At sa halos limang taon ko rito sa Dubai ay unti-unti ko na rin nakakalimutan ang mga nangyari noon. Paminsan minsan ay naaalala ko pa rin ang anak ko ngunit hindi na ganoon kasakit. Tanggap ko na rin na wala na talaga.

At habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Mr. Lagatiz ay iniisip ko kung ano ba ang sasabihin niya sa akin. Pinapatawag niya ako dahil may sasabihin daw siyang importante sa akin. Nang makapasok ako sa loob ng opisina niya ay may kausap pa siya sa telepono kaya hinintay ko muna matapos ang tawag.

"Abigael, pinatawag kita dahil may sasabihin akong importante." "Sabi niya.

"Ano po 'yon, sir?" Takang tanong ko.

"Sa Pilipinas ka na magtatrabaho, hija. Ililipat kita roon." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sir, pwede po bang iba na lang? Ayoko pa pong umuwi ng Pilipinas." Pagtanggk ko sa sinabi niya. Namimiss ko na si tita at si Jarenze ngunit hindi pa ako handa na umuwi ng Pilipinas.

"Sorry, Abigael, wether you like it or not doon ka na magtatrabaho. Ako pa rin naman ang magiging amo mo roon dahil uuwi rin ako at ikaw pa rin ang magiging secretary ko roon." Paliwanag niya. Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa bang magagawa ko?

"Kailan po ba ako uuwi?" Tanong ko.

"Actually, sa susunod na araw na, hija." Napalaki ang mga mata ko sa sagot niya. Bakit parang ang bilis yata? Ang akala ko ay mga isang buwan pa.

"Bakit parang ang bilis naman po." Reklamo ko sa kanya.

"Kailangan kong asikasuhin ang isang kompanya ko roon. Dahil kapag natagalan pa tayong umuwi ay baka tuluyan ng mawala ang kompanya ko roon." Sagot niya.

"Sige po." Sagot ko.

"Huwag ka ng pumasok bukas, hija. Ayusin mo na lang mga gamit mo. At bago ko makalimutan ito pala ang ticket mo. Dadaanan na lang kita sa susunod na araw." Tumango lang ako sa sinabi niya at inabot ang binigay niyang ticket ko.

"Okay, go back to work." Tumayo na ako at lumabas ng office niya. Pumunta ako sa lamesa ko na nasa labas lang ng opisina niya.

Kaya ko na bang umuwi? Kaya ko na bang harapin lahat? Kaya ko na ba siyang makita muli? Ang daming tanong sa isipan ko at hindi ko alam kunh masasagot ko ba. Hindi ko alam kung kaya ko na ba. At sana kaya ko na talaga.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok sa trabaho at dahil sinabi na rin ni Mr. Lagatuz. Inayos ko na lahat ng mga gamit ko at inilagay sa aking maleta. Bumili na rin ako ng mga pasalubong ko sa dalawa. Kahit papaano ay namimiss ko na rin sila. Mahirap mamuhay mag-isa sa loob nang limang taon. At kapag nagkakasakit ka ay wala kang kasama na mag-aalaga sa 'yo. Hindi madali ang maging isang overseas filipino worker.

Nang matapos na akong mag impake ay agad kong kinuha ang selpon ko at tinawagan si Jarenze.

"Hello, Jarenze." Bati ko sa kanya nang makita ko ang mukha niya sa screen ng selpon ko.

"Gosh, Abby, I miss you." Sigaw ni Jarenze.

"Jarenze, pwede mo ba akong sunduin bukas sa airport? Uuwi na ako bukas." Nakangiti kong sabi na ikinagulat niya.

"Totoo ba? Sige, sunduin kita bukas. Nako, matutuwa si Tita Rose nito." Sagot niya at sumigaw. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

Nang matapos na ang tawag ay tiningnan ko ang mga nakaayos ko ng mga gamit. Pagkatapos nang ilang taon ay makakauwi na rin ako.

Pagsapit nang umaga ay agad na akong naligo at inayos ang sarili ko. Dahil ang sabi ay alas-sais nang umaga ang alis namin ni Mr. Lagatuz. Kaya binilisan ko na ang pagkilos dahil baka biglang dumating ang magsusundo sa akin.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ay dinala ko na ang mga gamit ko sa labas ng pinto upang hindi na ako mahirapan pa sa pagbubuhat mamaya. Ilang sandali lang ay may narinig na akong tunog ng sasakyan sa labas kaya agad na akong lumabas ng bahay. Lumabas mula sa driver seat ang isang lalaki at tinulungan ako sa pagbuhat ng mga gamit ko papunta sa sasakyan.

Agad ko namang binuksan ang front seat at nakita ko si Mr. Lagatuz at ang kanyang asawa sa back seat. Agad naman silang ngumiti nang makita nila ako.

"Good morning po, Mr and Mrs. Lagatuz." Pagbati ko sa kanila. Tumango lang sila at ngumiti sa akin. Agad naman akong sumakay.

Tahimik lang ako habang bumabyahe kami patungo sa airport. Minsan ay nag-uusap ang mag-asawa sa likod at kinakausap din nila ako minsan.

"May pasalubong ka na ba sa pamilya mo, hija?" Biglang tanong ni Mrs. Lagatuz.

"Opo, ma'am." Sagot ko.

"Mabuti at makakauwi ka na sa Pilipinas. Mahirap mag-isa sa ibang bansa, hija. Wala ka pa bang balak na mag-asawa?" Tanong naman ni Mr. Lagatuz.

"Wala pa po sa isip ko ang mag-asawa, sir. Gusto ko pang tulungan ang tita ko." Sagot ko. Hindi ko alam kung balak ko pa bang mag-asawa. Sa mga nangyari sa akin ay hindi ko alam kung may balak pa ako.

"Tama 'yan, hija. Ang ibang mga bata kasi ngayon ay maagang nabubuntis at hindi pa nakatulong sa mga magulang nila." Saad ni Mrs. Lagatuz.

Tama naman ang sinabi ni Mrs. Lagatuz. Siguro nga may dahilan kung bakit nawala sa akin ang anak ko at lumayo ako kay Harvey. Dahil kailangan ko pang tulungan at alagaan si tita. Ang nag-iisang pamilya ko.

Pagdating namin sa airport ay sabay-sabay na rin kaming tatlo na pumasok sa loob hanggang sa pagpasok sa loob ng eroplano. Magkakatabi rin kaming tatlo sa upuan. At ito na naman ang takot ko sa tuwing lilipad na ang sinasakyan kong eroplano. Nang maramdaman ko na tumatakbo na ang eroplano ay pumikit na lang ako at napahawak sa aking seat belt. At least kaya ko na sumakay ng eroplano kahit natatakot ako.

Ilang oras din kami sa himpapawid at hapon na nang makalapag ang sinasakyan naming eroplano sa airport ng Pilipinas. Lihim akong napangiti nang sa wakas ay nakauwi na rin ako. Pagkalabas ko ng eroplano ay napangiti ako nang malamanghap ko na ang hangin ng Pilipinas. Ramdam ko na ang mainit na panahon sa Pilipinas.

Nakasunod lang ako sa likod ni Mr. and Mrs. Lagatuz hanggang sa makuha na namin ang aming mga bagahe. At pagkalabas namin ng airport ay tanaw ko na agad si Jarenze at si Tita Rose. Abala sila sa kahahanap sa akin kaya kumaway na ako sa kanila. Agad naman silang tumakbo palapit sa akin nang makita nila ako.

"Abby, namiss ka namin!" Sabi ni Jarenze habang yakap-yakap ako.

"Teka, hindi ako makahinga." Pagbibiro ko kaya agad naman siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"Sorry naman. Namiss lang kita." Sabi niya at ngumuso. Natawa na lang ako sa kanya.

"Abby, namiss rin kita." Sabi ni tita at niyakap din ako.

"Namiss ko rin kayong dalawa." Sagot ko at hindi napigilang umiyak. Agad ko ring pinunasan.

"Abby, agahan mo ang pagpasok bukas. Ipasusundo na lang kita sa driver ko." Napatingin ako kay Mr. Lagatuz nang magsalita siya. Nakalimutan ko na nariito pa pala ang mag-asawa.

"Sige po, sir. Thank you po." Sagot ko at ngumiti sa kanila.

"Okay, see you tomorrow." Sabi niya at naglakad na papunta sa kotse na susundo sa kanila.

"Ano? Tara na?" Tanong ni Jarenze habang nakangiti.

"Tara na." Sagot ko at sabay-sabay kaming tatlo na naglakad.






Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now