Chapter 25

40.4K 702 45
                                    

Enjoy reading!

Kinabukasan ay napagpasyahan kong 'wag muna pumasok. Ayaw kong makita ngayong araw si Harvey. Alam kong masakit ang mga sinabi ko sa kanya kahapon ngunit iyon lang ang paraan upang huminto na siya sa masamang ginagawa niya.

"Abby, aalis muna ako." Paalam ni tita.

"Saan po kayo pupunta, tita?" Tanong ko.

"Mamalengke lang ako sa bayan. May ipabibili ka ba?" Tanong niya.

"Wala po, tita. Sige po, ingat po kayo." Sagot ko. Pagkaraan ay agad na siyang umalis.

At dahil ako na lang mag-isa ang naiwan dito sa bahay ay naisipan ko na lang na maglinis ng bahay. At dahil maliit lang naman ang bahay namin ay mabilis ko natapos ang paglilinis. At ang sunod kong ginawa ay ang magluto ng umagahan. May nakita akong itlog sa isang tupperware kaya agad kong kinuha iyon at niluto ng sunny side up. At nagtimpla ng kape. Mayroon na ring sinaing na kanin si tita kaya ulam na lang talaga ang niluto ko.

Nang matapos kong lutuin ang itlog at magtimpla ng kape ay inilagay ko lahat iyon sa lamesa. Handa na sana akong kumain nang may biglang kumatok sa pinto. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Kahit nga si Jarenze ay gustong pumunta ngayon dito ngunit hindi ko pinayagan na pumunta. Nang may kumatok ulit ay naglakad na ako para pagbuksan kung sino iyon. At laking gulat ko nang makita ko sa labas ng pinto namin si Harvey. Naka pang bahay lang ang suot niyang damit. Hindi ba 'to pumasok sa opisina niya?

"Can I come in?" Tanong niya.

"A-anong ginagawa mo rito, Harvey?" Tanong ko. Hindi ba siya galit sa mga sinabi ko sa kanya kahapon?

"Bakit? Bawal ba?" Tanong niya att nagulat ako nang bigla siyang pumasok at naglakad papunta sa kusina.

"Hoy, pinapasok ba kita---" naputol ang sasabihin ko nang makita ko siya na kumakain na sa lamesa. Aba, ang loko kinain ang umagahan ko sa lamesa. Pati ang kape ko ay hindi pinalampas.

"Sorry, love, I'm just hungry. Thanks for the foods." Sabi niya at kumain muli. 

"Mr. Sandoval, ang kapal din ng mukha mo para kainin 'yang kanin at ulam ko. Pati ang kape ko ay ininom mo pa." Inis kong sabi.

"You can share with me. Come here, love." Sagot niya at tinuro ang katabi niyang upuan.

Ngunit hindi ko siya pinansin. Mabuti na lang at may isa pang natirang itlog kaya niluto ko iyon. Nang matapos ay dinala ko iyon sa lamesa at umupo sa kaharap niyang upuan. Kukuha pa sana siya sa niluto kong itlog ngunit agad kong inilayo sa kanya.

"Pahingi." Nagmamakaawa niyang sabi.

"Bumili ka roon ng ulam mo. Ito na nga lang ulam ko tapos aagawin mo pa." Masungit kong sabi at sinimulan ng kumain.

"Damot mo naman." Sabi niya at tiningnan ang plato niya na wala ng ulam at kanin na lang ang natira.

"Ayoko nga. Akin 'to e." Sabi ko sabay subo ng kanin at ulam. Halatang nabitin siya sa kinakain niya.

"Don't worry, love, bibigyan kita ng itlog ko." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Bigla tuloy akong nabulunan sa sinabi niya. Dinampot ko ang baso na may lamang kape at ininom iyon. Hindi pa rin mawala ang ngiti niya.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now