Chapter 29

38.7K 685 62
                                    


Enjoy reading!

Matagal din ang naging proseso ng mga requirements ko bago ako tuluyang nakakuha. At sagot lahat iyon ni Jarenze. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa laki nang naitulong niya sa amin ni tita. Siya na rin daw ang bahala kay tita kapag umalis na ako.

"Ang mga gamot mo, Abby? Mga damit? Magdala ka ng jacket mo roon." Mga bilin ni tita.

"Okay na po, tita. Nasa bag ko na po lahat." Sagot ko.

"Tita, parang bata naman si Abby sa mga ginagawa mo." Natatawang sabi ni Jarenze.

"Nako, dapat ay kompleto siya sa mga gamit doon. Iba ang Dubai sa Pilipinas at malayo 'yon. Baka mawala ka roon." Saad ni tita na ikinatawa namin ni Jarenze.

"Grabe naman po sa mawala, tita. Hindi na po ako bata. Kaya ko na po ang sarili ko." Natatawa kong sagot.

"O siya, sige na, at baka mahuli ka pa sa flight mo." Sagot niya. Agad naman nila akong tinulungan upang ilabas lahat ng mga gamit ko. Kumuha kami ng taxi na maghahatid sa amin sa airport upang hindi na kami mahirapan pa.

Halos ilang oras din ang naging byahe namin bago nakarating sa airport. Mabuti na lang at inagahan namin ang pag byahe dahil kung hindi ay huli na ako sa aking flight. Agad naman kaming tinulungan ng taxi driver upang ibaba lahat ng gamit ko. At pagkatapos naminh magbayad ay umalis na rin siya.

"Mag-iingat ko roon, Abby." Umiiyak na sabi ni Tita Rose. Agad ko naman siyang niyakap.

"Opo, tita. Kayo rin po mag- iingat kayo rito. Palagi niyo po inumin ang maintenance niyo." Sabi ko at tumango naman siya.

"Mamimiss kita, Abby." Malungkot na sabi ni Jarenze. Ngumiti ako sa kanya at niyakap din siya.

"Mamimiss rin kita. Ikaw muna ang bahala kay tita." Sabi ko.

"Oo. Huwag kang mag-alala parang nanay ko na rin itong si Tita Rose. Basta uwian mo ako ng foreigner." Sabi niya na ikinatawa namin.

"Sige, hahanapan kita roon." Natatawa kong sagot. Ilang sandali lang ay tinawag na ang mga pasahero ng sasakyan kong eroplano.

"Sige na. Mag- iingat kayo rito. Bye." Sabi ko at muli silang niyakap. Pagkaraan ay kinuha ko na ang mga gamit ko at pumasok na sa loob. Kumaway pa ako bago tuluyang pumasok sa loob.

At habang papasok ako sa loob ng eroplano ay namamangha na naman ako sa mga nakikita kong malalaking eroplano sa labas. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay hinanap ko kung anong number ba ang upuan ko. Baguhan pa lang ako sa ganito kaya hirap ako sa paghahanap. At nang makita ko na ang dapat kong upuan ay may nakaupo na roon na isang lalaki. Umupo na rin ako sa tabi niya.

Nagtagal pa nang ilang minuto dahil hinihintay pa ang ibang pasahero. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang pagtakbo ng eroplano na sinasakyan ko. Napahawak ako sa seat belt ko at ipinikit ang aking mga mata. Bakit ba kasi ayaw matanggal ng takot kong 'to sa tuwing lilipad na ang eroplano. Naalala ko dati si Harvey ang nagpapa kalma sa akin sa tuwing lilipad na ang eroplano. Ngayon ay ako na lang mag-isa at kailangan ko ng masanay.

"Hey, you okay?" Napamulat ako ng mata dahil nagsalita ang katabi ko sa upuan.

"Y-yes, I'm okay." Sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya.

"Are you sure?" Tanong niya ulit. Nakita ko sa bintana ng eroplano na nasa himpapawid na kami.

"Yes. Thank you." Sagot ko. Mukhang foreigner itong katabi ko. Mapapalaban ako ng english rito.

"I'm Nicko Enriquez, and you are?" Pagpapakilala niya at inilahad ang kanyang kamay.

"Abigael Mendez." Sagot ko at inabot ang kamay niya.

"Nice to meet you, Abigael. Nakita kita kanina na para bang natatakot." Nagulat ako dahil nag tagalog siya. Ang akala ko ay lalabas na ang mali-mali kong english kanina.

"Marunong ka pa lang mag tagalog?" Gulat kong tanong.

"Yes. I'm pure Pilipino." Sagot niya at tumawa. Muntik pa akong mapahiya sa kanya. Mabuti na lang at nag tagalog siya agad.

Ilang oras din kami sa himpapawid at mabuti na lang ay medyo madaldal itong katabi kong nagngangalang Nicko. Siya lang ang nakakausap ko sa eroplano at kung ano-ano na ang mga pinag-uusapam namin para lang mawala ang takot na nararamdaman ko. Nag bakasyon lang pala siya sa Pilipinas at mayroon siyang bahay sa Dubai.

Nang tuluyan ng makalapag ang sinasakyan kong eroplano ay kanya-kanya ng labas ng mga pasahero at kasama na ako roon.

"Hey, nice meeting you again. Sana ay magkita ulit tayo." Sabi niya nang makalabas na kami ng eroplano.

"Thank you. Sana nga magkita ulit tayo. Bye, ingat ka."  Nakangiti kong sabi. Kumaway lang siya at naglakad na palayo.

Habang ako naman ay agad ng kinuha ang mga bagahe ko. Paglabas ko ng airport ay may sumalubong sa akin na lalaki at huminto mismo siya sa harapan ko.

"You are Abigael Mendez?" Tanong niya.

"Yes." Sagot ko.

"I am you driver, maam. I will take you to your house." Sabi niya at pinakita sa akin ang kanyang ID.

"Thank you." Sagot ko. Tumango lang siya at kinuha na sa akin ang mga gamit ko. Agad naman akong sumunod sa kanya at pinagbuksan ako ng pinto sa back seat.

At habang bumabyahe ay kinakausap ko siya. Ang sabi niya ay siya na rin daw ang maghahatid sa akin bukas sa papasukan kong kompanya dahil inutusan daw siya. At dahil hindi ko pa raw alam kung saan banda ang papasukan kong kompanya.

Nang maihatid niya ako sa matutuluyan kong bahay ay agad na rin siyang umalis. Naiwan akong mag-isa at agad kong inayos ang mga gamit ko. Maliit lang ang bahay na 'to ngunit okay na rin para sa isang tao. Mayroong isang kwarto, banyo at kusina.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon at inayos na agad ang mga damit na susuotin ko. Nagluto na rin ako ng kakainin kong umagahan at ang magiging baon ko para sa tanghalian. Ganito pala mabuhay mag-isa lalo na at sa ibang bansa ka. Parang gusto ko na umuwi na lang sa Pilipinas. Namimiss ko na agad si tita. Mas okay pa roon kasama ko siya. Ngunit kailangan kong gawin 'to para na rin sa amin ni tita. Hindi habang buhay ay naroon kami sa apartment ni Jarenze. At kailangan ko rin 'to upang makalimutan ko ang mga masasakit na nangyari sa akin doon.

Pagdating ko sa kompanya na papasukan ko ay agad kong hinanap ang magiging amo ko. Mabuti na lang at sinamahan ako ng isang empleyado patungo sa opisina ng CEO.

"Good morning, sir." Pagbati ko nang pumasok ako sa opisina niya.

"Good morning. Are you a Pilipino?" Tanong njya.

"Yes, sir." Agad na sagot ko.

"Mabuti. Maupo ka, hija." Nakangiti niyang sabi at tinuro ang upuan. Ang akala ko kanina ay taga rito siya sa Dubai. Mabuti na lang talaga at Pilipino rin ang magiging amo ko.

"I am Robert Lagatuz. And welcome sa aking kompany, hija." Nakangiti niyang sabi.

"Thank you po, sir. Ako naman po si Abigael Mendez." Pagpapakilala ko.

"So, hija ang dati kong secretary ang magtuturo sa 'yo kung ano ang mga dapat mong gawin." Sabi niya at tinawag ang isang babae. At nang araw na rin na 'yon ay tinuruan ako sa mga dapat kong gawin.




Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now