Chapter 24

37.9K 674 45
                                    


Enjoy reading!

Sa mga sumunod na araw ay balik na ulit ako sa pagtatrabaho bilang secretary ni Harvey. Nagmamadali akong sumakay ng jeep dahil ilang minuto na lang ay late na ako. Mabuti na lang at hindi traffic ngayong araw kaya nang bumaba na ako sa jeep ay lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating sa entrance ng company.

"Good morning po, ma'am." Bati ng security guard sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at mabilis na naglakad patungo  sa elevator.

At pagdating ko sa floor kung saan ang office ni Harvey ay tinakbo ko na. Hindi na rin ako kumatok pa at agad kong binuksan ang pinto ng office niya. 

"Sorry si---" Naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang isang lalaki na kausap ni Harvey. Si Kyle Tarcena. Ang tumulong sa akin noon nang malaman ko na buntis ako. Sinabi niya kaya sa amo niya ang tungkol sa pagbubuntis ko? 

"Excuse me." Sabi ko at naglakad papunta sa aking table. Muli silang nag-usap at hindi ko naman naintindihan ang pinag-uusapan nila.  

"Okay po, boss." Sagot ni Kyle at sumulyap pa sa lamesa ko bago lumabas ng office.

"Why you are late?" Napatingin ako sa lamesa ni Harvey nang magsalita siya at nakatingin sa akin.

"Kasi na late ako ng gising. At saka traffic." Sagot ko. Ang totoo ay hindi naman talaga traffic.

"You can sleep if you want. Gisingin na lang kita kapag lunch break na." Ngayon pa lang ako nakakita ng amo na pinapatulog ang empleyado niya.

"Hindi na. Hindi naman ako inaantok." Sagot ko.

"Okay. Sabihin mo sa akin kapag kakain ka na ng tanghalian. Sabay na tayo." Sabi niya.

"Hindi ka ba nag-iingat? Baka kung anong isipin ng mga empleyado mo tungkol sa atin." Inis kong sabi. Baka gusto niyang pag tsismisan kami rito. Aba, ayaw ko no'n.

"Mas gusto ko nga 'yon. Bakit ba takot na takot kang malaman nila kung anong meron tayo?" Seryoso niyang tanong.

"Wala namang tayo. Anong pinagsasabi mo riyan." Agad na sagot ko.

"Wala pa bang tayo? Nakailang sex–"

"Tumahimik ka na. 'Yang bunganga mo napaka bastos." Pagputol ko sa sasabihin niya. Hindi ko na siya tiningnan pa muli. Bumalik na ako sa ginagawa ko. Narinig ko pa ang tawa niya.

Pagsapit nang tanghalian ay kinuha ko ang baon kong kanin at ulam. Ayaw kong pumunta pa sa canteen dahil wala naman akong bibilhin doon. May baon naman akong kanin at ulam. Ngunit napahinto ako sa pagbukas ng lagayan ng pagkain ko nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang babae at lalaki at mayroon silang dalang mga pagkain.

"Sir, ito na po ang pagkain niyo." Sabi ng babae.

"Pakilagay roon sa table ng kasama ko." Utos niya sa dalawa. Bakit dito sa akin?

"Ma'am, ilalagay lang po namin ang mga pagkain." Paalam ng babae at isa isang nilalagay sa lamesa ko ang mga dala nila. Tiningnan ko naman si Harvey na papalapit sa kinaroroonan ko.

Nang matapos na nilang ilagay lahat ay agad na silang lumabas ng office. Napatitig ako sa mga pagkain na nakahain sa lamesa ko. Ang dami kasing klase ng ulam ang nasa harap ko kaya mas lalo akong nagutom.

"Let's eat?" Tanong niya at hinila ang swivel chair niya palapit sa upuan ko. Kinuha niya ang baon kong kanin at inilagay iyon sa pinggan at nagsandok pa ng ulam.

"Here. Kailangan mong kumain nang marami." Sabi niya at inilagay ang pinggan sa harap ko. Kumuha na rin siya ng kanin at ulam niya.

"Alam mo, nagsasayang ka palagi ng pagkain." Sabi ko at sumubo ng kanin.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now