Chapter 22

41.4K 700 40
                                    

Enjoy reading!


Sa huling araw namin dito aa Boracay ay talaga sinulit ko. Tapos na ang mga gagawin ni Harvey rito at ngayon nga ang huling araw namin dito dahil bukas ay uuwi na kami sa Manila. At sinabi rin niya na rest day ko ngayon kaya naisipan kong gumala upang bumili ng pwede kong pang regalo kay Jarenze at kay tita pag-uwi ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Harvey na abala sa kanyang laptop. Napatingin siya sa akin nang makita niya ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Mamamasyal. Hindi ba rest day ko naman ngayon?" Tanong ko.

"Yes. Wait me here sasama ako sa 'yo." Sabi niya at mabilis na isinara ang laptop niya at agad na tumayo at pumunta sa kwarto niya. Ang sabi ko ako lang dapat ang gagala ngayon. Para naman sana kahit ngayong araw lang ay hindi ko siya makasama. Pero bakit naman siya sasama sa 'kin?

"Let's go." Sabi niya at nauna pang lumabas ng pinto.

Ako ang pumili kung saan kami pupunta. Gusto niya sana sa mall ngunit hindi ako pumayag kaya ang sa plaza kami pumunta. Maraming tao ngayon sa plaza kaya siksikan. Gusto ko lang talagang bumili ng mga pang regalo ngunit sumunod pa siya kaya maghirap siya riyan. Sa mall pa niya gusto tapos ang mahal pa ng mga bilhin doon. Hindi naman ako mayaman para doon bumili.

Nakahawak siya sa kamay ko at ako ang nauunang naglalakad. Alam kong naiinis na siya dahil sa dami ng tao at ang iba ay nagtutulakan pa. At kung hindi ka marunong magtago ng pera ay talaga mananakawan ka rito.

Nang matapos na akong bumili ay umalis na kami roon. Bumili pa ako ng tubig dahil uhaw na uhaw na talaga ako.

"Pahingi." Biglang sabi ni Harvey at kinuha sa akin ang tubig ko. Tingnan mo, ang yaman-yaman tapos tubig lang hindi pa makabili. At inubos pa niya.

"Let's eat. Damn that plaza." Reklamo niya. Natawa na lang ako.

Agad kaming naghanap ng pwede naming kainan na restaurant. Sinabi ko na rin sa kanya na huwag sa mamahaling restaurant dahil wala talaga akong magugustuhan na pagkain doon. Mabuti na lang at sinunod niya ako. Sa isang simpleng restaurant lang kami kumain kaya nakapagpili ako ng kakainin ko.

At habang hinihintay namin ang mga inorder naming pagkain ay nakaramdam ako ng pagka-ihi.

"Banyo lang ako saglit."Paalam ko.

"Okay." Sagot niya. Tumayo na ako at pumunta sa restroom. Walang katao tao sa loob nang pumasok ako. Pagkatapos kong umihi ay inayos ko muna ang medyo nagulo kong buhok dahil sa siksikan sa plaza kanina. Nang maayos ko na ay lumabas na ako ngunit napahinto ako nang may humarang sa dinadaanan ko.

"Hi, I know you." Napatingin ako sa kanya. Kilala ko rin siya. Siya si Angelica na ex-girlfriend ni Harvey.

"Hello po." Magalang kong bati sa kanya.

"Secretary ka lang ba talaga ni Harvey?" Tanong niya.

"Opo." Sagot ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Parang hindi. Bakit kayo magkasama ngayon ni Harvey sa restaurant na 'to? Umamin ka, may relasyon ba kayo ni Harvey?" Halata na sa boses niya ang galit.

"Yes. She's my girlfriend. Is there any problem with that, Angelica?" Napalingon kaming dalawa kay Harvey nang magsalita. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at naramdaman ko ang braso niya na pumulupot sa baywang ko.

"Are you crazy, Harvey? Papatol ka sa ganyang babae? I thought you have a high standard pagdating sa babae?" Natatawang sabi ni Angelica. Ang sakit ng sinabi niya. Anong tingin niya sa akin mababang uri? E kung sampalin ko kaya siya? Kapal ng mukha nito.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now