Chapter 21

41.9K 767 5
                                    

Enjoy reading!

Sa sumunod na araw ay naiwan ako sa hotel. Hindi ko alam kung saan siya pumunta at wala naman akong mapag tanungan dito. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako upang kumain sa labas. Kahit papaano ay binigyan ako ni Harvey ng allowance sa kung ano man ang bibilhin ko rito. Hinanap ko kung saan ang kainan dito sa loob ng hotel. Mabuti na lang at sinamahan ako ng isang staff papunta roon. Agad akong natakam sa mga pagkain na nakahain kaya kumuha na ako ng pinggan.

At habang kumakain ako ay may biglang nagsalita sa tabi ko kaya napahinto ako sa pagkain.

"Hi." Nilingon ko kung sino iyon.

"Kian. Anong ginagawa mo rito?" Gulat kong tanong.

"Pwede bang makiupo muna rito?" Pagpapaalam niya. Tutal ay wala naman si Harvey rito kaya pumayag na ako.

"Sige, upo ka." Sagot ko. Agad niya namang inilapag ang dala niyang pagkain at umupo sa kaharap kong upuan.

"Salamat." Sabi niya at ngumiti.

"Bakit ka nga pala nandito sa Boracay?" Tanong ko.

"Dito ko napili na mag bakasyon. Ikaw? Bakit ka narito?" Tanong niya.

"Sinamahan ko lang ang amo–"

"She's with me." Naputol ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Harvey mula sa likuran ko.

"Hey, Harvey! Long time no see." Nakangiting sabi ni Kian.

"Wala akong oras para sa katulad mo, Kian. Seryosong sagot ni Harvey. Ramdam ko ang galit nila sa isa't isa dahil sa tono ng kanilang pananalita. Hindi ko alam kung bakit magkaaway sila palagi.

"Why you're so serious, Mr. Sandoval? Mag bakasyon ka rin paminsan minsan." Sabi ni Kian at ngumiti pa kay Harvey.

"Shut up, Kian. Let's go, Abigael." Seryosong sabi ni Harvey at agad akong hinila palayo kay Kian.

Lumabas kami ng hotel at naroon na naman ang kotse niya na naghihintay sa amin. Pinagbuksan ako ng pinto ng driver niya kaya pumasok ako sa loob at sumunod siya. Galit pa rin siya at natatakot akong kausapin siya.

Hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta ngayon. Mabuti na lang at kumain na ako ng umagahan.

"Don't talk to Kian again." Seryoso niyang sabi.

"Bakit? Gusto kong malaman kung bakit palagi mong inaaway si Kian?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin.

"Kapag ba sinabi ko ang dahilan matatanggap mo kaya?" Makahulugan ang sagot niyang 'yon. Ano ba ang ginawa ni Kian sa kanya?

"Bakit ayaw mong sabihin sa akin?" Tanong ko.

"Ayaw kong saktan ka pa, Abigael. I don't want to see you crying again." Sagot niya. Ano ba talaga ang totoo? Bakit ayaw niyang sabihin sa akin?

Hanggang sa huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang lumang building ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Harvey. Tatlong palapag lang iyon ngunit mawalak at medyo luma na.

Naunang bumaba si Harvey at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong bumaba at hanggang sa paglalakad. Maraming mga tao ang nagkalat sa paligid at lahat sila ay nakasuot na naman ng itim na mga damit at may mga naglalakihang mga baril na hawak. Napakapit ako sa damit ni Harvey dahil sa takot. Nasaan na naman ba kami?

"Nasaan tayo?" Bulong ko sa kanya.

"Sa hide out." Maikling sagot niya. Bakit niya naman ako dinala rito? Ano naman ang gagawin ko rito? Nakikita ko pa lang ang mga mukha ng mga tauhan niya ay natatakot na ako. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang