Chapter 27

38.1K 719 47
                                    


Enjoy reading!

Sa unang araw ko muli rito sa bahay ni Harvey ay naging maayos naman ang lahat. Ngunit paggising ko ay nakaramdam ako nang mabigat sa aking tiyan at sa binti. Napamulat ako ng mata at tiningnan kung ano iyon. At laking gulat ko nang makita ko si Harvey na nakayakap sa akin. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa baywang ko.

"Good morning, love." Napahinto ako sa pagtanggal ng kamay niya sa baywang ko.

"Tanggalin mo ang kamay at binti mo." Utos ko sa kanya ngunit hindi niya sinunod. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Love, I'm hungry." Mahina niyang sabi.

"Alisin mo na 'yang kamay at binti mo para makakain na tayo." Aniko.

"I want you, love." Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Ang bastos talaga ng bunganga nito.

"Umalis ka na nga. Babangon na ako." Sabi ko at pilit na tinatanggal ang braso at binti niya. Tumawa lang siya at tinanggal na ang braso at binti niyang naka kapit sa akin. Wala siyang pang itaas na damit kaya nakikita ko ang maganda niyang katawan na halatang alaga sa pag gym. Bakit nga ba siya walang damit pang itaas? At saka hindi ko naramdaman na tumabi siya sa akin kagabi. May damit pa naman ako kaya ibig sabihin wala siyang ginawa. Napaiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa 'kin.

"Sumunod ka na lang sa baba. Sabay tayong kakain." Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. Ngayon ay mayroon na siyang damit at inaayos niya ang kanyang nagulo na buhok. Tumango lang ako at lumabas na siya ng kwarto.

Nang tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ay bumangon na ako agad na pumunta sa banyo upang maghilamos at inayos ang sarili ko. Pagkaraan ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Nadatnan ko roon si Harvey na nakaupo na. Naroon din si Manang Nora at abala sa paglagay ng mga pagkain sa lamesa.

"Ma'am Abby, maupo ka na rito para maka kain na kayo." Sabi ni Manang Nora. Ngumiti lang ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan. Binigyan ako ni manang ng plato at magsasandok na sana ako ng kanin ngunit naunahan ako ni Harvey.

"Ako na." Sabi ko at inagaw sa kanya ang sandok ngunit inilayo niya iyon aa akin.

"Maupo ka na riyan at ako ang maglalagay ng kanin mo. Baka mamaya kaonti lang ang kakainin mo." Saad niya at ipinagpatuloy ang paglagay ng pagkain sa pinggan ko. Nakita ko naman na nakangiti si Manang Nora sa amin dahil sa ginawa ni Harvey.

"Eat, love." Napakurap ako nang magsalita siya. Tiningnan ko naman ang pinggan ko na punong puno na naman ng pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta ako sa sala upang doon tumambay. Mamaya ay lalabas ako upang libutin ang kabuuan nitong bahay. Habang si Harvey naman ay pumunta na sa kwarto upang mag-ayos ng sarili niya dahil papasok siya sa opisina ngayon. Pinipilit ko pa siya kanina kung pwedeng magtrabaho ulit sa kompanya niya ngunit buo na ang loob niya na huwag akong papasukin na roon.

Ilang sandali lang ay nakita ko na siyang pababa ng hagdan. Nakasuot siya ng itim na tuxedo with blue necktie at black pants pati rin ang shoes niya ay kulay black. Bakit parang ang gwapo niya sa suot niyang 'yan? O dala lang ito ng pagbubuntis ko?

"Love..." Hindi ko napansin na tulala na pala ako sa kanya at ngayon ay ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

"Did you hear what I said?" Tanong niya. Ano ba ang sinabi niya?

"H-ha?... A-ano ba 'yon?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Masyado mo naman kasing pinapahalata na pinapantasyahan mo ang katawan ko, love. Mamaya pag-uwi ko, sayong sa 'yo ako. Hintayin mo ako mamaya, love. Bye." Sabi niya at hinalikan ako sa labi at sa noo nang mabilis at naglakad na palabas ng bahay. Habang ako ay hindi pa rin gumagalaw sa upuan ko.

Pagsapit nang tanghali ay  pumunta ako sa kusina at nadatnan ko roon ang si Manang Nora at ang isa pang kasambahay na abala sa pagluluto. Nang makita nila ako ay agas silang bumati sa akin.

"Magandang tanghali, ma'am." Bati ni Manang Nora sa akin.

"Magandang tanghali rin po, manang. Huwag niyo na po akong tawaging ma'am." Nahihiya kong sabi. Mas matanda siya sa akin tapos iyon pa ang itatawag niya sa akin.

"Nako, baka magalit si Sir Harvey, ma'am. Kung papayag ka ay hija na lang ang itawag ko sa 'yo." Aniya.

"Sige po, pwede rin." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Napahinto lang kami sa pag-uusap nang may narinig kaming kumakatok sa may pinto. Agad namag naglakad palabas ng kusina ang isang kasambahay at tiningnan kung sino ang bisita. Naglakad na rin ako palabas ng kusina upang tingnan din kung sino iyon.

"Good afternoon po, Ma'am Angelica." Rinig kong bati ng kasambahay. Si Angelica? Anong ginagawa niya rito sa bahay ni Harvey?

Pagkaraan ay nakita ko si Angelica na nakasunod sa kasambahay na nagbukas ng pinto. Nagulat pa siya nang makita niya ako.

"What are you doing here? " Kunot noong tanong niya. Agad namang lumanas ng kusina si Manang Nora.

"Dito na ako pinatira ni Harvey." Matapang kong sagot sa kanya.

"What? Nagawa ni Harvey na magpatira ng isang pulubi sa mansion niya?" Natatawa niyang sabi. Nakaka insulto 'yong sinabi niya. Huwag lang siyang magkamali dahil papatulan ko talaga siya.

"Wala rito si Harvey. Kaya kung wala ka ng sasabihin makaka alis ka na." Inis kong sabi sa kanya.

"At sino ka para sabihan ako ng ganyan? You, bitch! Nakikitira ka lang dito. At kaya ka lang niya pinatira dito kasi katawan mo lang ang habol niya sa 'yo." Galit niyang sabi.

"Para ipaalam ko sa 'yo, Angelica, kaya niya ako dinala rito at pinatira kasi magkaka-anak na kami." Matapang kong sagot sa kanya. Halatang nagulat siya sa sinabi kong iyon. Wala na siyang magagawa pa. 

"No! That's not true! Napaka desperada mo talagang malandi ka!" Hiyaw niya at biglang akong sinabunutan. Masakit ang pagkaka sabunot niya sa akin kaya tinutulak ko siya ngunit tuloy pa rin siya sa pagsabunot sa akin. At dahil din sa inis ko ay sinabunutan ko rin siya.

"Diyos ko, mag hunos-dili kayong dalawa." Rinig kong sabi ni Manang Nora at tinawag ang ibang kasambahay upang awatin kami ngunit hindi nila kaya. 

At napahinto ako sa pagsabunot sa kanya nang nakaramdam ako ng pagsakit ng aking tiyan. Napahawak ako roon dahil hindi pa rin tumigil ang pagsakit. At naramdaman ko na lang na may tumutulong dugo sa binti ko. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang dugo sa aking binti. Ang baby ko! Agad ding huminto si Angelica sa pagsabunot sa akin at napatingin sa binti ko.

"Tulong! Please, ang baby ko." Umiiyak kong sabi.

"O my God!" Rinig kong bulong ni Angelica habang naka takip ang kamay niya sa kanyang bibig. Tinulungan naman ako ng mga kasambahay na tumayo at pinasakay sa isang sasakyan ni Harvey. Baby, pleas,e kumapit ka lang. Huwag mong iwan si mama. Sobrang sakit na ng tiyan ko at unti-unti ng nandilim ang paningin ko.





Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon