Chapter 40

46.9K 719 57
                                    


Enjoy reading!

Pagkatapos nang pagkikita namin ni Jarenze ay agad akong umuwi para kausapin si Harvey tungkol kay Kyle. Kailangang panagutan ni Kyle ang kaibigan ko. Hindi ako papayag na basta niya na lang itapon na parang basura si Jarenze pagkatapos niyang buntisin. Kaya nang makauwi ako ay agad kong kinausap si Harvey.

"Harvey, kailangan nating mag-usap." Seryoso kong sabi sa kanya. Kaya napatingin naman siya sa 'kin na para bang takot.

"May nagawa ba akong kasalanan, love?" Malambing niyang tanong. At niyakap ako.

"Wala kang kasalanan pero ang tauhan mo ay meron." Sagot ko. Napabuntong hininga siya at humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"Huh? Sino sa mga tauhan ko?" Takang tanong niya.

"Si Kyle." Sagot ko.

"Bakit? Anong kasalanan niya?" Tanong niya.

"Binuntis lang niya naman si Jarenze. At kailangan niyang panagutan ang kaibigan ko." Seryoso kong sabi.

"That's good, love. May magiging kalaro na ang magiging anak natin." Nakangiti niyang sabi kaya kinurot ko siya sa braso.

"Alam mo, wala kang kwenta kausap. Papuntahin mo rito si Kyle at kailangan ko siyang makausap." Utos ko sa kanya. 

"Yes, my love." Sabi niya at kinuha ang kanyang selpon at tinawagan si Kyle. Makakatikim talaga ng suntok ang Kyle na 'yon sa 'kin.

Halos kalahating oras din ang hinintay namin bago dumating si Kyle. At dire-diretso pa siya ng lakad at babatiin pa sana ako nang unahan ko siya.

"Aray, bakit po, Ma'am Abigael?" Tanong niya habang hawak ang tainga niyang hinihila ko.

"Panagutan mo ang kaibigan ko. Buntis siya at ikaw ang ama." Sabi ko.

"Opo, panagutan ko po siya, Ma'am Abigael." Sagot ni Kyle.

"Love, bitiwan mo na ang tainga ni Kyle. Pananagutan naman daw niya si Jarenze." Wika ni Harvey. Agad ko namang binitiwan ang tainga ni Kyle at humarap kay Harvey.

"Ikaw! Huwag mong ipagtanggol 'tong tauhan mo. Pag untugin ko mga ulo niyo e." Matapang kong sabi.

"Damn you, Kyle. Pati ako nadamay pa." Sabi ni Harvey kaya hinila ko rin ang tainga niya.

"Ouch. Sorry na, love." Sabi niya at niyakap ako.

"Sige na. Puntahan mo na si Jarenze." Utos ko kay Kyle. Napangiti naman siya.

"Salamat, Ma'am Abigael. Sige po, aalis na ako." Sabi niya at naglakad na palabas ng bahay.  Tumingin naman ako kay Harvey na nakatayo sa harap ko habang nakangiti.

"I love you, love." Sabi niya at hinalikan ako sa labi nang matagal.

"I love you too, Harvey." Sagot ko na ikinagulat niya.

"Wait, tama ba ang narinig ko?" Nakangiti niyang tanong kaya napangiti na lang din ako.

"Bingi ka kasi." Nakangiti kong sabi. Nagulat ako nang hinalikan niya ako muli at niyakap.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now