Chapter 12

46K 803 26
                                    



Enjoy reading!

Kinabukasan ay late na akong gumising at wala na rin si Harvey sa tabi ko. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili ko. Ramdam ko pa ang sakit sa paa ko dahil sa high heels na suot ko kagabi. Hinding hindi ko na uulitin na suotin pa 'yon. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. At natuwa ako dahil wala na namang bantay sa sala at sa may pintuan.

Sunod kong pinuntahan ay ang kusina at nakita ko roon si Harvey na abala sanpagluluto at walang damit pang-itaas. Tanging suot na apron lang ang nakatakip sa kanyang katawan. Hindi ko alam kung tatalikod ba ako at babalik na lang sa kwarto o didiretso na papasok sa kusina.

"Good morning, love." Napakurap ako at umiwas ng tingin.

"G-good morning. T-tapos ka na b-bang magluto?" Nauutal kong tanong. 

"Patapos na. Umupo ka muna r'yan saglit na lang 'to." Umupo ako at tinitingnan lang siya na nakatalikod sa akin.

Nang matapos na siyang magluto ay umupo na rin siya sa tabi ko at katulad nang palagi niyang ginagawa ay nag sandok siya ng kanin at inilagay iyon sa plato ko.

"Salamat." Sagot ko.

"Masakit pa rin ba ang paa mo?" Tanong niya.

"Oo, pero hindi na gaano." Sagot ko.

"And don't clean the house again. I saw you when I checked the cctv this morning." Sabi niya. Ano bang mali sa ginasa ko? Dapat nga matuwa pa siya dahil nilinis ko ang bahay niya.

"Kasi naman wala akong magawa rito sa bahay mo. Alangan naman kausapin ko 'yong mga gamit dito. Pati nga mga tauhan mo hindi nagsasalita." Pagrereklamo ko.

"I'm sorry, love. Sa susunod ay sasamahan kitang lumabas." Sabi njya. Ibig sabihin pwede na talaga akong lumabas ng bahay niya?

"Talaga? Pwede na ako lumabas ng bahay mo?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Pero kasama mo ako." Sagot niya. Agad namang nawala ang ngiti ko. Akala ko pa naman ay makakatakas na ako. Hindi na ako muli pang nagsalita. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. 

Pagkatapos naming kumain ay siya na mismo ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Hindi niya ako hinayaan na maghugas ng mga plato. At kahit pagpunas ng lamesa ay siya na mismo ang gumawa.

"Bakit hindi ka na lang kumuha ng kasambahay para gumawa ng mga gawain dito sa loob ng bahay mo?" Tanong ko habang tinitingnan siyang naghuhugas ng plato.

"They are afraid of me." Sagot niya.

"Bakit? Ano ba ang ginagawa mo sa kanila at takot sila sa 'yo?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot. Napapaisip tuloy ako kung bakit walang tumatagal na kasambahay sa kanya. Sinasaktan ba niya? Pinapagalitan? Sinisigawan?

Tapos na siya sa paghuhugas ng pinggan ngunit nanatili akong nakatayo sa tabi ng lamesa. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"What are you thinking?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala."

"I have an important meeting today. Babalik din kaagad ako." Paalam niya. Tumango lang ako. Sabay kaming lumabas ng kusina ngunit nagpaiwan ako sa sala. Siya naman ay dumiretso papunta sa kwarto.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now