Chapter 4

68.3K 1.1K 30
                                    


Enjoy reading!

Nang matapos ako sa paghugas ng pinggan ay dahan-dahan akong lumabas ng kusina at sinilip ang sala kung mayroong bantay. May nakita akong nakatayo malapit sa may pinto na isang lalaki at naka-itim ng suot na damit katulad ng palaging suot din ni Harvey. Nakatayo lang siya na para bang tulala ngunit nang makita niya akong papalapit sa may sala ay agad siyang umayos ng tayo at para bang handa sa kung ano man ang gagawin kong mali.

"Hello po." Bati ko sa kanya. Yumuko lang siya umayos ulit ng tayo.

"Pwede pong lumabas?" Paalam ko.

"Hindi po pwede, ma'am. Kung may gusto po kayong ipabili ay sa akin mo na lang po sabihin." Magalang niyang sagot.

"Sisilip lang po ako sa labas. Hindi ko pa kasi nakikita kung maganda ba sa labas ng bahay na 'to." Pagsisinungaling ko. Wala naman akong pakialam kung maganda o hindi ang labas ng bahay na 'to. Nagbabakasali lang ako na makatakas rito.

"Bawal po talaga, ma'am. Pasensya na po utos lang ni Sir Harvey." Sagot niya. Mukhang hindi ko mauuto ang isang 'to. Tumalikod na lang ako at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto.

Pagdating ko sa loob ay inayos ko ang mga kurtina na nakaharang sa mga bintana. Tinali ko iyon upang kahit papaano ay pumasok ang liwanag sa loob ng kwarto. Sinubukan ko rin buksan ang bintana ngunit lahat ay naka-locked.

Sumilip ako sa may bintana at ngayon ko pa lang nakita ang tinutukoy ni Harvey kanina na swimming pool sa labas. Malawak din ang lupa kung saan nakatayo ang bahay na ito. At mas lalo pa akong napahanga nang makita ko ang mga mamahaling sasakyan sa ibaba. Lahat ba 'yan ay kanya? Hindi ko akalain na ganito kayaman ang lalaking iyon.

Pagkatapos kong sumilip sa may bintana ay bumalik ako sa kama at humiga. Habang yakap-yakap ko ang isang unan ay iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin upang makatakas sa pamamahay na ito. Ngunit hindi ko namalayan na unti-unit na akong pumipikit at tuluyan ng nilamon ng antok.

Nagising ako dahil sa dampi ng labi sa aking mukha. At pagmulat ng mga mata ko ay mukha ni Harvey ang nakita ko habang patuloy niyang hinahalikan ang aking buong mukha. Agad ko siyang tinulak ngunit mas lalo pa niyang idiniin ang kanyang sarili sa akin. Kaya kung titingnan ay para siyang nakadagan sa akin habang ang magkabilaan niyang kamay ay naka tukod sa kama.

"I'm home, love." Sabi niya at hinalikan ako sa labi nang matagal. Ngunit agad ko rin siyang tinulak dahil hindi na ako makahinga sa ginagawa niya.

"U-umalis ka nga sa ibabaw ko." Inis kong sabi. Ngunit hindi niya ako pinansin. Nakatitig lang siya sa akin at bigla niya akong hinalikan muli nang mabilis at pagkatapos ay umalis na siya sa ibabaw ko.

Agad akong bumangon at napatingin ako sa gilid ko nang may nakita akong mga malalaking paper bag ng mga mamahaling brand.

"How's your sleep, love?" Tanong niya at umupo sa harap ko. Tumingin ako sa bintana ngunit nakasarado na ang mga kurtina na itinali ko kanina.

"Next time, use this control to open the window curtain." Sabi niya at ipinakita sa akin ang isang remote control. May remote control 'yong kurtina niya? Tapos itinali ko lang kanina. Malay ko ba sa mga gamit ng mga mayayaman.

"By the way, para sa 'yo lahat ng ito." Sabi niya at itinuro ang mga paper bags na nasa kama. Nang buksan ko ang mga 'yon ay puro mga damit, sapatos, sandals, at mga tsinelas.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon