Simula

21.5K 790 183
                                    

Vio Lakosta

Dumilat ako. Nagulat sa pag sulpot ng isang makinis at bilog na bagay. Sa pagkurap ko ay nawala ito at muling bumalik pagkaraan ng ilang saglit.

Nagtataka man ay naaaliw ako sa pagsulpot nito hanggang sa bumilis ang pagpasok niya. Napakislot ako, takot na matamaan sa bagay na iyon.

Pumikit ako. Nag bilang ng isa, dalawa hanggang walo saka nag mulat upang muling masilayan ang puting fireworks gaya ng dati.

Sa pang ika-isandaang animnaput-siyam na araw ko sa lugar na ito ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na nangyari iyon.

Niyakap ko ang aking mga tuhod at pumikit.

Nagising ako ng maramdaman ang pag sikip ng espasyong kinalalagyan ko. Sumipa ako at umikot paibaba. Napanganga ako ng nag tuloy-tuloy ang pagdulas ko paibaba hanggang sa masilaw ako sa isang munting ilaw.

Sumipa muli ako upang mapigilan ang pag dulas ko ngunit kahit ang mga kamay ko ay walang nagagawa. Mas lalo lamang akong dumausdos paibaba.

Gustong kong mahimatay sa gulat ng may kung anong bagay ang humawak sa aking ulo hanggang sa lumaki na ang kaninang liwanag na nakikita ko. Pumikit ako ng tuluyang nag hari sa paningin ko ang liwanag.

Isang tapik sa aking pwetan ay may narinig akong isang matinis na bagay. Nang mapagtanto ko ay nanggagaling pala sa akin ang isang hikbi na ngayon ko lamang nagawa. Kung dati ang mga naririnig ko ay galing lamang sa aking utak, ngayon ay hindi ako makapaniwalang kayang bumuka ng bibig ko at gumawa ng ingay.

"It's a boy!" Sabi ng isang malaking bagay na gaya ng wangis ko na may hawak sa akin.

"Name him Vio. Vio Lakosta." Sabi ng isang malambing na boses na humaplos sa aking puso.

--
Once a month update nito. 😂

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now