V1

17.1K 695 198
                                    

Vio Lakosta

Lumingon ako sa aking kanan. Kahit na mayroong makapal na glass ay kitang-kita ko ang pag iyak ng isang bata sa isang lalagyanan gaya ng kinalalagyan ko.

Hoy! Sigaw ko sakaniya pero hindi man lang ito nag abalang lingunin ako at nag patuloy lamang siya sa pag ngawa.

Ilang oras na rin akong naririto. Hindi ko magawang makatulog dahil sa ingay na ginagawa ng mga kasama kong bata na wala ng ginawa kundi ang umiyak.

Inabot ko ang aking mga daliri sa paa, nang maabot ko ito ay sinubo ko ang pinakamalaki 'tsaka ko sinipsip. Nagugutom na ko! Wala ba silang balak na pakainin ako? Buti pa sa dati kong tahanan lagi akong busog at may pa fireworks pa. Nakakamiss din pala iyong bilog na bagay na laging bumibisita sa akin tuwing gabi at madalas sa madaling araw, pinaka madalas tuwing hapon. Hindi tuloy ako nakakatulog ng hapon dahil sakaniya.

Nakaramdam ako ng pagkatuwa ng may pumasok sa silid. Lumapit ito sa akin at dinungaw ako. Nakakunot man ang kaniyang noo ay natutuwa ako sakaniyang mukha dahil may pakiramdam akong ganito ako kagwapo kapag lumaki ako.

Kinuha ako nito sa lagayan at binuhat niya ako sakaniyang mga bisig. Nakatitig lamang ako sakaniya habang nararamdaman ko ang pag-iiba ng lugar na tinatahak namin.

"Here.. Is it really him?" Tanong ng lalaking may buhat sa akin bago ako ibigay sa isang babaeng may maamong mukha.

"M..a..ma. Mama!" hindi ko napigilang sabi dahil sa kagalakang naramdaman ko ng makita siya.

"He is honey! Look at him, he's healthy and genius like you. And he call me Mama! Did you hear that?" Natutuwang sabi nito at hinalikan ang aking pisngi.

Nilingon ko ang lalaki. Halata sa itsura nito ang gulat at lalo lamang siyang napanganga ng sabihin ko ang mga katagang.. "Papa."

--
Konti lang talaga bawat update. 😂

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now