V11

9.1K 444 66
                                    

Vio Lakosta

Simula ng araw na iyon ay nakakalabas na ako ng bahay basta ang gusto ni mama ay kasama ko si piggy sa tuwing lumalabas ako. Ayos na basta hindi lang ako makulong sa bahay gaya ng dati.

Ipinasok na rin ako ni mama sa isang pribadong eskwelahan kung saan pumapasok si piglet at grade seven na kami ngayon.

"Hintayin mo naman ako Vio!" Sigaw ni piggy. Mas lalo ko naman binilisan ang pagmamando sa bisekleta.

Ang liliit kasi ng mga binti niya kaya sa maliit na bisekleta lang siya pwedeng sumakay. Kahit na walong taon na ang nakakalipas hindi parin kumukupas ang taba niya.

Papunta kami ngayon sa bahay ni Tita Ash para sa gagawin naming proyekto sa darating na buwan ng nutrition. Nasa iisang subdivision lang ang bahay namin at ni Tita kaya hinayaan lang kami ni mama na mag bisekleta na lamang patungo sa bahay nito.

Nag door bell na ako kahit wala pa si piggy. Siguradong malayo pa siya kaya mauuna na kong pumasok sa loob. Hindi naman siya sexy para hintayin ko pa.

Nang pag buksan ako ni tita Ash ng gate ay madali akong pumasok at nag mano sakaniya.

"Where's is Claire? Ang akala ko ay sabay kayong pupunta rito?" Tanong niya at sumilip pa siya sa labas ng gate.

"She's on her way, tita. Mukhang nahihirapan sa pag buhat ng kaniyang taba." I said and chuckle.

"Naku ikaw talagang bata ka, hindi mo na tinantan sa pang aasar si Claire." natatawang sabi niya at hinampas ako sa balikat. Napangiwi ako, muntik na kong magkalasog-lasog sa laki ng braso ni tita. Isang suntok lang tutumba ako.

Habang wala pa si piglet ay inihanda na namin ni Tita ang mga gagamitin namin sa pag gawa ng mga cupcakes. Naisipan kasi namin na ito na lamang ang ibebenta namin sa aming booth ni piggy.

"Nakakainis kang payatot ka! Hindi mo man lang ako hinintay. Paano kung may nangyaring masama sa akin ha?" bulyaw ni piggy pagkarating niya.

"Buhay ka namang nakarating dito at walang magtatangkang gumawa ng masama sayo o kaya'y walang lalapit sayo dahil sa oras na nilapitan ka nila tatalbog lang sila pabalik sa bahay nila." Pang aasar ko pa sakaniya.

Umirap siya at tumulong sa paghahanda namin ng mga gagamitin. Nang matapos ay binuksan ko ang refrigerator ni Tita 'tsaka ko inilabas ang mga sangkap. Inilapag ko ang sa mesa ang isang malaking ampalaya, limang karot at kalahating kalabasa.

"Ampalaya para sa taong hindi makalaya sa nakaraan. Karot para sa mga taong surot sa lipunan at squash para sa mga bibig na hindi pa kailanman nakatikim ng mouth wash." Natatawa kong sabi.

Pinandilatan naman ako ni piggy tapos si tita Ash ay humagalpak na ng tawa na ilang saglit lang ay sinabayan ko.

Ang talino ko talaga at sobrang pogi pa.

--
Bukas pa dapat 'to pero masyado ng mapait ang surot kong kapatid at mga babaeng nakapaligid sa akin. Cupcake ampalaya flavor para sainyo. 😂🔥

The Anatomy Of Vio LakostaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ