V3

12.8K 611 167
                                    

Vio Lakosta

Nagising ako dahil sa ingay at yabag ng mga paa. Nang imulat ko ng tuluyan ang aking mga mata ay iginala ko ang aking paningin sa buong kwarto.

Nasa kakaibang lalagyan na naman ako ngayon. Mukhang gawa ito sa kahoy at pininturahan ng kulay asul, sa itaas ay isang nakasabit ng mga kung ano-ano. Hindi katulad ng dati na mayroong maraming bata sa paligid ngayon ay tanging ako lamang ang nasa isang silid na kulay asul.

"I can't wait to see my nephew, Mary!" tinig ng isang babae. Mukhang papalapit na sila sa kwartong kinaroroonan ko.

"Me too!" Sabi pa ng isa.

Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Mama na may kasamang mga baboy na hugis tao?

Kinuha ako ni Mama sa kinahihigaan ko.

"Baby meet your Tita Ash." Pagpapakilala ni mama sa isang babaeng mukhang alien.

"And your Tita Shane." Turo naman niya sa isang babaeng matambok ang pisngi at may hugis pansit na buhok. Ang sarap sigurong kainin non?

"Here is your Ate Teynn." Napakurap ako ng ilapit ng babaeng sinasabi ni mama ang mukha nito sa akin at todo ang ngiti. Gaya ni Tita Shane ay may matambok na pisngi rin siya, nagmumukha silang siopao. Hahaha.

"Your Ate Mitz." Heto talaga ang baboy, siya siguro ang lider nila.

"And last but not the least is your Ate Aiz." Sabi ni mama at kumawala ang isang matinis na halakhak sa akin ng makita ito. Hindi gaya nina Tita Shane, Ate Teynn at Ate Mitz na may matambok na pisngi, hetong isang 'to sa noo ang tambok. Hahahaha. Ang sarap sigurong pitikin non.

"Say hi to them Vio." Sabi ni Mama.

At dahil gwapo ako.

"Hi." Bati ko sakanila na nagpalaglag sakanilang mga panga.

"OMG." Sabay-sabay nilang sabi.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now