V24

7K 386 46
                                    

Vio Lakosta

"Tapos ka na bang tumawa?" Tanong nito, naniningkit ang kaniyang mga mata.

"Tapos na." Nakangising sagot ko.

"Ang babaw ng kaligayahan. Tuwang-tuwa ka sa height ko ah?" Aniya. Nginisian ko lamang siya 'tsaka ako humalukipkip sa tabi upang makadaan siya.

"Ayhen! Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ng isang babae na sumulpot na lang bigla.

Ayhen pala. Ayhen-liliit naman talaga ng mga binti niya. Cute.

Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin bago siya sumunod sakaniyang kaibigan.

Uminat ako. Nasaan na naman kaya si piglet? Baka napa-away na naman ang taba niya.

Nag pasa muna ako ng activity bago ako nagdesisyong hanapin si piggy. Madali naman siyang hanapin dahil kilalang-kilala ko na bawat kurba ng taba niya. Nakita ko siya sa open field ng campus. P.E nga pala nila ngayon kaya nalelechon na naman siya sa init ng araw.

Sumilong ako sa isang puno at pinanuod ang pag palo niya sa bola patungo sa kabilang bahagi. Kahit na mabigat siya ay kayang-kaya niyang tumalon at i-spike ang bola para makapuntos. Minsan nakakaawa din ang paglalapagan niya, kung gumagalaw lamang ang sahig siguradong iilag ito sa bawat pag lagapak ng mga paa ni piglet.

"Wooooh go piggy! Ipakita mo ang kayang gawin ng taba mo!" Palakpak ko upang mas lalong ganahan siya sa laro nila.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now