V10

8.7K 409 33
                                    

Vio Lakosta

"Ugh! It's so unfair, this is my first time to play this!" Hiyaw ni piggy ng matalo ko siya sa pangalawang beses na hiningi niya.

"It's your second try. Kanina yung una mo. Dalawa na ang panalo ko. Ibig sabihin may dalawa akong hihingin na pabor sayo." Nakangisi kong sabi habang busangot ang mukha niyang umupo sa isang monoblock.

"Fine! What is it?" Nakangusong tanong niya.

"You won't call me a skeleton again." Seryoso kong sabi.

"Skinny kid then?"she smirked.

"No. You will call me Vio." Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Fine Vio-lak." Irap niya at humalukipkip sa pag-upo.

"And the second one is, make me play outside." sabi ko na ikinakunot ng mataba niyang noo.

"Sigurado kang iyon ang pangalawa? Napakadali naman!" Sabi niya.

"Talaga? Hindi pa ako nakakalabas kailanman." Mahina kong sabi na narinig naman niya.

"You what? Hindi kapa nakakalabas ng bahay? Hahaha. Kawawa ka naman pala. There's so much.. I mean so many amazing things outside. Kaya pala minsan tanga ka." Walang habas na sabi niya.

Ang sama talaga ng tabas ng taba ng baboy na 'to.

"That's why I'm asking you to bring me outside." umirap ako sakaniya. Bagay na natutunan ko sa mga sandaling nakakasama ko siya.

"Small things! Let's go." Aniya at nauna ng lumabas ng kwarto.

"I'm telling you, mahirap kausapin si mama kapag paglabas ko na ang pinag uusapan." paalala ko sakaniya habang bumababa kami ng hagdan.

"I'm telling you too, no one can resist my charm." She proudly said and winked.

I just shrugged and wish that her guts really can bring me outside.

"Tita! Can we play outside?" Nakangiting paalam niya kay mama. Nasa sa sala ito at nanonood ng kaniyang paboritong drama sa hapon.

Napansin ko ang pagkakatigil ni mama sa tanong niya bago ito tumingin sa akin. Ngumiti naman ako, baka sakaling pumayag na siya ngayon.

"It's too hot outside. Dito na lamang kayo." aniya.

Sinasabi ko na nga ba.

"I told you." Bulong ko kay piggy.

"Just watch me." Mayabang na sabi niya at nilapitan si mama.

"Sige na po tita. Sa hardin lang naman po kami, magpapaturo po sana akong mag bisekleta kay Vio. Na ikwento po kasi niya sa akin na magaling siya roon. Lagi po kasi akong sinasabihan na lampa ng mga kalaro ko sa labas. Marunong po kasi sila sa bisekleta habang lagi na lamang akong natutumba. Pinagtatawanan pa po nila ako." madramang sabi ni piggy na may kasama pang pagsinghot. Pinunasan pa nito yung gilid ng mata niya.

Nang silipin ko siya ay napanganga ako ng may makitang tunay na luha na dumadaloy sa pisngi niya. Wengya! Nag oink oink na naman ang baboy.

"Hush baby.. Ahh you can play outside, pero ipangako niyong sa hardin lang. Vio bawal ang lumayo. Ihahanda ko lang ang meryenda niyo at babantayan ko kayo." Sabi ni mama na mas nagpalaglag ng panga ko.

No one can resist her charm huh? Damn! Hindi totoo iyon, pakiramdam ko masusuka ako sa ginawa niya. Para siyang marshmallow na panis at tinubuan ng hinog na kamatis sa pisngi sa sobrang pula niya.

"Let's go outside Vio?" Nakangiting sabi niya at madramang pinunasan ang mga luha niya.

Shit talaga. Paano niya napapayag si mama ng ganoon na lang? Napakaimposible ng baboy na 'to.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now