Wakas

9.2K 547 115
                                    

Vio Lakosta

"Come on, Vio. Kailangan mo lang isuot 'to, kahit isang oras lang. Please." Nagmamakaawang sabi ni piglet. Tinignan ko ang isang mascot costume sa tabi.

"Alam mo bang mas magiging mabenta ang booth niyo kapag hindi ko iyan isinuot?" sabi ko at napakamot sa aking noo. Umismid naman siya pagkatapos ay iniabot sa akin ang ulo ng mascot.

May event sila ngayon at isinama niya ako para lang maging mascot. Pambihirang baboy na 'to. Akala ko pa naman ay masosolo ko siya ngayong araw.

Wala akong nagawa kundi suotin iyon. Sampung minuto ay nabagot agad ako at pumasok sa loob ng tent. Napansin ko ang isang music player at may naisip agad ako. I connected my phone in the player and play the 'baby shark' song. Lumabas ako sa booth habang sumasabay sa tugtog. I don't know the real steps of this children song, I'm just swaying my body to the beat. Sa ginawa kong iyon ay dumami ang lumapit sa booth nina piglet. Paano pa kaya kung hindi ko suot ang mascot na 'to? Siguradong dudumugin ang booth nila.

"Sinalo mo na talaga lahat ng talent." Natatawang sabi ni piglet ng matapos kong sumayaw ng naka mascot.

Nagpaalam din agad siya sakaniyang kagrupo dahil kailangan pa naming magpasukat para sa kasal ni tita Ash sa susunod na linggo.

Na-delay ng tatlong buwan ang kasal ni tita Ash. Inasar ko pa nga siya na baka mabagok ang ulo ni Shrek sa tatlong buwan na 'yon. Magising ito sa katotohanan at hindi na matuloy ang kanilang kasal. Sinapak niya ako at tinawanan. Hindi raw iyon mangyayari dahil patay na patay sakaniya ang kaniyang mapapangasawa. At ngayon ay wala na talagang makakapigil sakanila, tuloy na tuloy na ang kasal.

Katatapos lang magpasukat nina ate Teynn, ate Aiz at ate Mitz ng makarating kami. Prente lamang silang nakaupo habang pinapanuod si Tita Shane na ngayon ay sinusukatan.

"Tapos na ba ang event niyo Claire?" Tanong ni ate Teynn.

"Oo ate. At may pasalubong ako sainyo." Sabi ni piglet at umupo sa gitna nila.

Inilabas nito ang kaniyang cellphone at may kung anong kinalikot doon. Nang umupo ako sa pang isahang sofa ay hindi ko pa makuha kung ano ang ginagawa niya. Nang marinig ko ang tugtog ng baby shark ay doon ko lamang nakuha kung ano ang pinagtatawanan nila.

"You have a nice move Vio." Tawa ni ate Aiz.

"Dapat may intermission tayo sa reception! Ano? Practice tayo mamaya?" Sabi naman ni ate Teynn na sinang-ayunan naman nila. Kaya ng matapos kaming magpasukat ay diretso na agad kami sa bahay at iyon nga ang ginawa namin.

Puro tawanan at kalokohan lang naman ang nagagawa namin.

"Sigurado ba kayong intermission number sa kasal ni tita Ash ang gagawin natin?" Natatawang tanong ko habang tinitignan ang mga inilapag nilang costume na isusuot namin. Gagawin pa nila akong si Elsa at si piglet naman ay si Anna nh frozen. Wengya.

"You can do it Vio. Back-up niyo kami." Sabi ni Tita Shane.

Magpeperform daw kami pero halos ng perfomance ay ako ang gagawa. Pambihira. Naisahan nila ako.

"Ikaw ang mag a-acting na olaf at gugulong sa sahig tita?" Tanong ko habang kamot ang aking batok. Pambihira talaga. Pagulungin ko kaya sa sahig ang mga taba nila? Kunwari snowball sila at pagugulungin ko sila 'tsaka ibabato kay piglet. Ayos na ayos 'yon.





At dumating na ang pinakahihintay na araw ni Tita Ash. Wala na talagang kawala sa bilbil niya si tito Shrek.

"Tumingala ka." Masungit na utos ni piglet na ginawa ko naman, inaayos nito ang aking necktie ngunit ang mga mata ko ay nakadikit parin sakaniyang dibdib.

"Buong araw bang ganyan ang suot mo?" Tanong ko.

"Tss! Magpapalit ako pag nasa reception na at magpeperform pa tayo kaya kailangan kong magbihis!" Aniya.

"Huwag na. Wala namang magtatangkang tumingin sayo at wala naman silang makikita." Pang-aasar ko sakaniya pero ang totoo ay pinipigilan ko lang ang sarili kong hilahin siya sa kuwarto at ikulong nalang siya roon.

Nang matapos niyang ayusin ang aking necktie ay itinaas ko ang suot niyang tube na saglit niyang ikinagulat ngunit ang sunod niyang ginawa ang nagpatigil sa aking paghinga.

"Walang makikita pero may mahahawakan." Aniya at lumayo sa akin saka humalakhak. Shit! Sumayad na naman ang taba niya sa kamay ko.

"Ma! May alcohol ka ba diyan?" Tanong ko kay mama na bihis na bihis na rin at inaayos ang suot na tuxedo ni papa.

"Whatever Violak!" Natatawa paring sabi ni piglet ngunit hindi ko na siya pinansin. Nakakabadtrip talaga ang taba niya.

Nagsimula ang seremonya ng kasal. Nilingon ko si piglet na mariing nakikinig.

"Ash and Shrek, face one another and join hands. Under the eyes of God, Ash, do you take Shrek as your lawfully husband..." Sabi ng pari. Nilingon ko si Claire na ilang dipa lamang ang layo sa akin.

"Pst. Hoy taba." Mahinang tawag ko sakaniya. Nilingon niya ako.

"Say, I do." Bulong ko at pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Yes, I do." Sagot ni tita Ash pero hindi ginawa ni piglet. Nakatingin lang siya sa akin.

"...do you promise to honor her in love, to be sensitive to her needs, to comfort her in difficulty, and to put your full and complete trust in her, so long as you both shall live?" Tanong ng pari kay tito Shrek.

"I do." Bulong ko habang nakatitig kay Claire. Kumunot ang noo nito at napailing ng makuha siguro kung ano ang ginagawa ko.

She mouthed baliw and smiled.

"I, Vio, give you Claire this ring as a simbol of my love.."  Pagsabay ko sa pagsasalita ni tito Shrek habang unti-unting lumalapit kay piglet.

"..and commitment. I love you even death do us part, my love. With this ring, I thee engaged." patago kong hinawakan ang kamay niya at pinadausdos ang isang singsing sakaniyang daliri saka tumayo ng tuwid na parang walang nangyari.

Nakita ko ang pagkagulat niya sa gilid ng aking mata. Bahagya niyang itinaas ang kaniyang kamay at nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa singsing.

Ngumisi ako at tinagilid ang aking ulo upang makita ng tuluyan ang reaksyon niya. Nanlalaki ang mga mata niya at parang naluluha.

"..you may now kiss the brid--"

"Nakakainis ka talagang payatot ka!" Sigaw niya na nagpatigil sa pagsasalita ng pari.

Nang mapansin niya siguro ang katahimikan ng lahat ay natuptop nito ang kaniyang bibig.

"Hehehe. You may now kiss tita, tito shrek!" aniya na ikinahalakhak naming lahat.

Damn. I will never finish falling in love with her.

--
The End.

The Anatomy Of Vio Lakostaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें