V35

7.1K 378 66
                                    

Vio Lakosta

"Anong ginagawa niya rito?" Tanong ni piglet pagkarating namin sa bahay at maabutang abala sa panonood ng telebisyon si dwarfy.

"Ahh.. Ano.." Nag aalangan ang boses ko at hindi ko alam kung ano ang tamang salitang maaari kong isagot ngayong mukhang sasabog na naman sa inis si piglet

"Mag o-overnight ako para mag review kami sa quiz bee. Sa friday na 'yon kaya kailangan naming tutukan." sabat ni dwarfy na nagpakurap sa akin. Wengya! Lagot talaga ako kay mama nito. Pero mas maganda na sigurong dito muna siya ngayong gabi. Bahala na talaga.

Sinulyapan ko ang reaksyon ni piggy. Umirap lamang siya at nag tungo sa kusina.

"Sa isang bahay lang kayo?" Takang tanong ni dwarfy.

"Hindi naman kayo magkamag-anak di ba?" Dagdag na tanong pa nito.

"Sa kabilang bahay lang siya.." Wala sa sariling sagot ko.

Tumango siya at nakita kong nag iba ang ekspresyon ng mukha niya. Kung kanina ay mukha itong matapang ngayon ay nakikitaan ko parin siya ng takot kagaya ng kanina.

"Padating na si Mama. Dito kana muna tumuloy hanggang bukas ng umaga." sabi ko at nag tungo sa kusina upang maghanap ng pagkain na pwedeng ihapag para sakaniya.

Naabutan kong umiinom ng tubig si piggy sa kusina habang tulala ito sa hangin. Ano ba talagang nangyayari sakaniya? Tsk!

Nilapitan ko siya at dinama ang kaniyang noo gamit ang likod ng aking kamay. "You okay?"

Tumango lamang siya at dumistansiya sa akin. Saglit ko siyang tinitigan bago balingan ang laman ng refrigerator.

"Uuwi na ko. Hindi ko na hihintayin si tita." Aniya at lumabas ng kusina.

Napahinga ako ng malalim at kinuha ang nakatimpla ng juice sa loob ng ref. Inilabas ko na din ang isang cake na mukhang hindi pa nagagalaw.

"Good afternoon, Claire." Boses iyon ni Mama. Nagmadali akong humiwa sa cake 'tsaka lumabas ng kusina.

"Good afternoon tita!" Masiglang bati pabalik ni piggy kay Mama.

"And who is--" Pinutol ko agad ang tanong ni Mama ng makita kong bumaling siya kay dwarfy.

"Ma.." inilapag ko ang hawak kong tray sa isang coffee table 'tsaka ako lumapit kay mama para mag mano.

Nakakunot ang noo nito at sinulyapan muli si dwarfy.

"Hello po! Magandang gabi po, kaibigan po ako ni Vio." Pagpapakilala ni dwarfy sakaniyang sarili. Lumapit siya kay mama at nag mano.

Tumango lamang si mama sakaniya pagkatapos ay binalingan muli si piggy.

"Your mom's not going home tonight. Dito kana matulog hija." nakangiting sabi ni mama kay piggy.

Pambihira! Mukhang pati si Mama ay iisipin ko pa. Tsk.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now