V13

7.6K 408 48
                                    

Vio Lakosta

"Pagod na ko. Wala ka bang balak na tumulong?" Nakaungos na sabi ni Piglet habang inaayos ang aming booth.

Prente lamang akong nakaupo at tinatanaw ang iba't ibang booth.

"Hoy!" Sigaw ulit ni piggy pero hindi ko parin siya pinagtuonan ng pansin.

"Alam mo imbes na pakapalan mo yang nguso mo ng lipstick, magpagawa ka ng salamin yung makapal kaysa sa nguso mo para naman hindi ka mabangga kung saan-saan!" Sigaw muli nito at doon ko na siya nilingon.

Nakita kong namumula na naman ang mamantikang pisngi nito dahil sa galit. May kaharap siyang tatlong magagandang babae na ngayon ko lamang nakita.

Napangiti ako.

"Lumalaban kana ngayon taba?" Nakataas noong tanong ng nasa gitna sa tatlo.

Masasabi ko na sakanilang tatlo ay ito ang pinakamaganda.

"Huh! Matagal na kitang pinapatay sa isip ko, hindi mo alam?" Matapang na sagot ni piglet.

Tumayo ako at tinignan ang natumbang mesa na inayos pa ni piggy kanina. Ang magandang disenyo ng puti at pulang tela kanina ay nagusot na.

"Aba't ang baboy na 'to--" sasagot pa sana ang babaeng nasa gitna ng putulin ko siya.

Ang ganda ganda talaga niya.

"Hi miss! Ang ganda mo." nakangiti kong sabi sakaniya.

Napanganga siya ng bahagya pagkatapos ay ngumiti ng matamis sa akin habang naramdaman ko ang matatalim na tingin na ipinukol sa akin ni piglet.

"Hi Vio! Good morning. Sa booth ka nalang namin?" aniya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at lalo lamang akong napangisi.

"Sa sobrang ganda mo, gusto na kitang isabit sa giant clock para naman magkabuhay iyon." Dagdag ko at itinuro ang malaking orasan na nasa tuktok ng history building.

Unti-unting napawi ang ngiti nilang tatlo.

"Alis na! At the count of one.. two.." mariin kong sabi at kumaripas na sila ng takbo palayo sa booth namin.

"Akala ko nagagandahan ka talaga sakanila!" Nagsimula naman ang malulutong na halakhak ni piglet ng tuluyan silang makalayo.

Nakakapang-init ng ulo ang kagandahan nila.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now