V4

12.2K 612 93
                                    

Vio Lakosta

Dumaan ang limang araw pagkatapos akong mailabas ni mama sakaniyang sinapupunan.

Nakakainip ang araw na ito hindi gaya ng mga nag daang araw na lagi na lamang akong sumasabak sa gyera ng mga baboy na ipinakilala sa akin ni Mama. Lagi na lamang nalulumog ang aking pisngi dahil sa paghalik nila.

Pinilit kong dumapa at nang magawa ko ay itinukod ko ang aking mga tuhod sa hinihigaan ko. Hinawakan ko ang kahoy na pader ng kinalalagyan ko at pinilit kong makatayo. Gusto kong makalabas ng kwartong ito. Mamamatay na ko sa sobrang inip!

Hindi ko nagawang nakatayo at napaupo na lamang ako ng bumukas ang pinto. Unang sumungaw ang ulo ni Papa doon. Pagkatapos ay tuluyan na siyang pumasok sa kwarto na may dalang isang paper bag.

"Now, you can sit on your own huh?" Nakapameywang na sabi nito habang nakangisi sa akin.

Tumawa ako kasi para siyang tanga na nakangisi habang tinititigan ako. Itinaas ko ang dalawa kong mga kamay upang magpabuhat sakaniya. Baka sakaling maisipan niyang ilabas ako sa kulungang ito.

Hindi ako nag hintay ng matagal ay kinuha niya ako sa aking kulungan. Ngunit hawak ang magkabilaan kong tadyang ay inilayo niya ako sakaniyang dibdib, nalukot ang mukha niya at ngumiwi.

"Damn! You smell so bad, buddy." Aniya 'tsaka niya ako inilabas ng kwarto bitbit niya ang dala niyang paper bag kanina.

Pinaupo niya ako sa isang malamig na marmol. Sa gilid ay mayroong isang bakal na may butas sa dulo. Tinanggal niya ang aking pang ibaba. Halos masuka siya ng tuluyan niyang maitanggal sa akin ang aking suot. Humalakhak ako.

Ginalaw niya ang isang bilog sa gilid pagkatapos ay may lumabas na tubig sa butas ng bakal. Itinapat niya roon ang aking pwetan. Nang matapos ay inihiga niya ako sa isang malambot na bagay.

Pinunasan niya ng tuyong tela ang balat kong nabasa. Tapos ay pinaulanan niya ang buo kong pwetan ng pulbos.

Bigla akong nakaramdam ng pagkaliyo sa aking tiyan. Habang patuloy na pinupulbosan ni papa ang aking pwetan ay bigla na lamang kumawala ang isang malagim na hangin sa aking pwetan.

Nilingon ko si papa. Ang pulbos na inilagay niya sa aking pwetan ay lumipad patungo sakaniyang mukha. Umubo siya at muling kumawala sa akin ang isang matinis na halakhak ng muling kumawala sa aking pwetan ang isang malagim na hangin na may kasama ng delubyo.

"Oh damn! I think I need to call your mom, buddy." Aniya.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now