V14

7.6K 407 52
                                    

Vio Lakosta

"Sa susunod kasi iharang mo yang taba mo para tumalbog sila palayo sa booth natin." Inaantok na sabi ko at itinayo ang mesang natumba.

Umismid lamang siya sa akin at muling inayos ang disenyo ng tela sa mesa. Pumasok naman ako sa loob ng tent at kinuha ang nga cupcakes na ginawa namin.

"Hi! Dito ba ang booth ni Vio Lakosta?" Dinig kong sabi ng isang babae sa labas.

Nang lumabas ako bitbit ang mga cupcakes ay tumingin lahat sila sa akin. Anim na babaeng ang tingin ko ay mga grade 10 ayon sa asul na I.D lace ng mga ito.

"Anong itinitinda niyo? Bibili kami!" Sabi ng isa.

Tumango ako at inilapag ang mga cupcakes sa mesa.

"We offer fruit shakes too. Baka gusto niyo?" Nakangiting offer ni piggy sa mga babae.

Agad namang tumango ang mga ito. Kanina pa nila tinititigan ang kagwapuhan ko.

Habang ginagawa ni piggy ang mga order nilang shakes ay panay ang kausap nila sa akin na sinasagot ko lamang ng oo at ngiti.

"Sasabihan din namin ang mga classmates namin na bumili dito!" Masiglang sabi ng isa na ikinatuwa ni piggy.

"Sige! Salamat!" Aniya.

Ilang sandali nga lang ay pinilahan na ng mga babae ang kagwapuhan ko hindi lamang ng mga grade 10 kundi kalahati ata ng populasyon ng babae dito sa eskwelahan. Kung hindi pa naubos ang tinda namin ay hindi sila titigil sa pagbili.

"Wala na? Ang tagal ko pa naman pumila!" Reklamo nung isang babae kay piggy pagkatapos ay ngumiti sa akin.

Napailing nalang ako at napangiti na din. Mga baliw na sila.

"Pumila ka ba talaga sa cupcakes o dahil dito sa kasama kong skeleton? Tss!" Mahinang tanong ni piggy na ako lamang ang nakarinig dahil umalis na ang mga babaeng natirang nakapila.

"Ayaw mo ba niyan? Wala pang kalahating araw makakapagpahinga na tayo." Sabi ko.

"Tayo? Walang tayo. Ako lang. Wala ka namang itinulong diyan kung hindi ang mag pa cute sa mga babae tsk!" Reklamo niya at marahas na umupo.

"Hindi ako nagpapacute, sadyang gwapo lang ako para pilahan nila." nakangising sabi ko.

"Ang yabang! Payatot naman!" Natatawang banat naman niya.

Nakakapikon talaga ang tabas ng taba ng babaeng 'to. Badtrip.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now