V49

7.5K 484 140
                                    

Vio Lakosta

Agad akong lumayo kay piglet. Parang nahimasmasan sa kakaibang naramdaman ng magtungo ako sa pinto at pagbuksan ang delivery boy na hawak ang inorder kong pagkain.

Shit. Muntik na talaga 'yon ah.

Nang makaalis ang delivery boy ay nag alinlangan pa akong bumalik sa kusina. Kung hindi lang kailangan na pakainin ang taba niya baka kanina pa ko nagkulong sa kuwarto.

Nang bumalik ako sa kusina ay ganoon parin ang ayos ni piglet. Napangiti ako ng makitang mariin parin siyang nakapikit at parang naestatwa sa kinatatayuan niya.

Inilapag ko ang pagkain sa mesa pagkatapos ay lumapit sakaniya 'tsaka ko pinitik ang kaniyang noo.

"Let's eat." Nakangisi kong sabi at inihanda na ang kakainin namin.

Sinulyapan ko siyang nakasimangot na umupo sa kabilang dulo.

"Bakit ang dami niyan?" Tanong niya.

"Kailangan mo ulit tumaba para may maidonate kapa sa mga nangangailangan." nakangising sabi ko at ako na ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Mabilisan ko lamang iyong ginawa at umupo na sa kabilang dulo ng mesa. Parang hindi ko na kakayanin ang mapalapit ng matagal sakaniya.

Kinabukasan ay hindi na ako pumasok. Sa loob ng pitong taon ay ngayon ko lamang ito ginawa at para bang natutuwa pa akong gawin ito ngayon. Ano kayang pwedeng gawin ngayong araw?

Kinuha ko ang aking cellphone at may idinial na numero. Pagkabukas ko sa pinto ay napaatras ako ng makitang nasa tapat ng aking pinto si piglet.

"Yes, three in the afternoon. Thank you." Sabi ko sa kabilang linya at ibinaba ang tawag.

"Uhh.. Gigisingin lang sana kita. Handa na ang almusal." sabi ni piglet.

"Gigisingin o may balak kang gapangin ako?" Nakangisi kong tanong. Napansin ko ang pagpula ng matatambok niyang pisngi at umiwas ng tingin sa akin.

"Asa ka namang payatot ka." Aniya at tinalikuran ako.

Mahina akong tumawa at sumunod sakaniya sa hapag.

"Gusto mo ulit makita ang abs ko?" tanong ko na may mapaglarong ngiti sa aking mga labi.

"Tigilan mo ko Vio. Sasapakin na kita." Aniya at dumistansya sa akin.

"Alam mo bang kulang nalang ilock ko ang sarili ko sa gym para lang makuha ang six pack of abs na 'to? Tapos babalewalain mo lang." kunwaring nagtatampong sabi ko.

Pinandilatan niya ako. "Eh kung i-lock kita sa taba ko para tumigil kana?"

"Ayos lang. Basta ba ang kulungan ko ay ang puso mo." Sabi ko at kinindatan siya.

Umirap lamang siya at naupo sa upuang malayo sa akin.

Pasulyap-sulyap lang ako sakaniya habang kumakain. Ang tahimik ng taba niya ngayon. Dati naman ang daldal niya kapag sa mga ganitong pagkakataon. Baka naman nananaginip lang ako at hindi talaga siya si piglet?

"Anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong ko.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Papapasukin mo ba ko?" Diyan sa taba mo, sagad hanggang sa puso mo.

Wengya ang korni na ng isip ko. Ano bang ginawa ng baboy na 'to sakin? Sabi ko na nga ba, siya ang magiging dahilan ng pagkabaliw ko. Pambihira.

"Bahala ka. Isang linggo lang ako dito." Aniya. Napamura ako sa aking isip dahil doon.

"Hindi ako makakapasok ngayon. May pupuntahan ako. Sama ka?" tanong ko at napangiti ako ng tumango siya.

Damn. I'm really dead.

--
Isang linggong pag-ibig. Ano kayang mangyayari sa date nila? Abangan sa susunod na kabanata. 😂😂😂😂

Shout-out kay Geraldine Saycon. Wag kang paasa. 😂😂

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now