V16

7.3K 386 62
                                    

Vio Lakosta

Isa na namang nakakabagot na araw. Kahit na alam ko na ang itinuturo ng aming guro sa harapan ay kailangan ko paring sumabay sa klase.

Nilalaro ko ang dulo ng hawak kong ballpen sa aking mga labi ng bigla na lamang magkaroon ng pagkakagulo sa tabi ng bintana. Pati ang aming guro ay dumungaw doon at sinigawan ang kung ano mang nasa ibaba ng building.

Hahayaan ko lamang sana iyon ngunit ng marinig ko ang sigaw ni piggy ay naalarma ako. Hindi kami mag kaklase dahil nasa first section ako at nasa pang huling seksyon naman siya. Ano na namang gulo ang ginagawa ng taba niya?

Sumuot ako sa mga nagsisiksikan kong kaklase para makita kung ano ang meron sa ibaba. Nang makadungaw ako ay kitang-kita ko kung paano hilahin ni piggy ang buhok ng isang babae. Hanggang sa pag tulungan siya ng dalawang kasama ng babaeng sinabunutan niya. Ito yung mga babaeng nakakapikon ang ganda.

Shit! Agad akong lumabas ng silid at tinakbo ang distansiya palabas.

Nang makalapit ako sakanila ay naroon na ang guidance head at naawat na ang mga ito. Agad kong nilapitan si piglet na kumpara sa tatlo ay wala siyang kahit anong galos at tanging nagulo lamang ang kaniyang buhok.

"Grabe muntik mo ng nalumpo yung tatlo." Sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.

Sinundan ko siya hanggang sa pinto ng guidance office. Gaya ng inaasahan ay siguradong siya ang may mas mabigat na parusa. Puro kalmot ba naman ang tatlong nakasagupa niya at muntik na talagang malumpo yung isang babae.

Sumandal ako sa pader malapit sa pinto ng guidance para hintayin siya. Napaayos ako ng tayo ng makalabas siya sa pinagmulang silid.

"Kumusta? Makikick-out kana ba?" Nakatawa kong tanong sakaniya.

"Tss kulang pa yung ginawa ko sa tatlong 'yon para makick-out ako at isa pa wag kang magtatangkang magsabi kay mommy tungkol sa nangyari." Aniya.

"Paano kung sabihin ko? Isusumbong kita na nakapatay ka." Pang aasar ko sakaniya.

"Nakita mo yung nangyari sa tatlo? Gusto mo isunod kita?" Pinandilatan ulit niya ako ng mata at umaksyon na susugod sa akin.

"Hoy! Walang ganiyanan ah." Sabi ko at dumistansiya sakaniya.

"Im gonna kill you now. Run!" Sigaw niya at napatakbo na talaga ako dahil nakakatakot na madaganan ng taba niya. Fck!

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now