V43

7.1K 382 73
                                    

Vio Lakosta

"You are here." Hindi makapaniwalang sabi ni dwarfy. Gaya niya ay hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito.

"And you're here too." Nakangisi kong sabi.

"We can catch up next time? May klase pa kong papasukan." I added and check my wristwatch.

"Oh! Let me have your digits. Hmm.. How about lunch? I'll just roam around and wait until your classes are done?" Aniya at iniabot sa akin ang kaniyang cellphone.

Nakangiting tumango ako at ibinalik ang kaniyang cellphone. "Sure."

"I'll text you!" Aniya at nauna ng umalis.

Tinanaw ko siya hanggang sa mawala siya ng tuluyan sa aking paningin.

"Who's that chic?" tanong ni Amethy.

"Ayhen." tipid na sagot ko at pumasok na sa hall.

"I love her style." nakangiting sabi niya.

"Can I have her digits dude?" singit ni Damien sa gitna namin ni Amethy.

"Can ya get out? You're a business student.Trespassers will be prosecuted!" Amethy spat at him.

Napangisi na lamang ako. Wala na atang katapusan ang pag-aaway nila.

Mabilis na natapos ang klase namin ni Amethy. At gaya ng napag-usapan namin ni dwarfy ay sabay kaming kumain ng lunch kasama sina Amethy at Damien.

"It's a long story but i'll make it short for you." aniya at uminom sa juice niya.

"Tuluyan kasi akong naidala ni uncle sa probinsya limang araw ang nakakalipas simula ng mawala ka sa school na parang bula. Ang akala ko ay tuluyan na kong lalaki sa bukid ngunit ilang linggo lang ay dumating sa probinsya si ninang Mina para kuhanin ako and tadaaah! Nandito na ako." Masayang pagkukuwento niya.

"That's good." Sabi ko at napangisi ng mapansing nakatunganga lang ang dalawang kasama namin sa amin. Halatang hindi maintindihan ang pinag-uusapan namin.

"Tapos nag take ako ng exam dito kaso mukhang hindi ako papasa sa scholarship! Nakakadugo ng utak!" tawa ni dwarfy.

"Nakakahiya naman kay ninang Mina kung hindi ko makukuha iyon. Kahit na gustong-gusto niya akong tulungan ay hindi dapat ako masanay na umasa nalang sakaniya."

"Sabihan mo na rin siyang may utang ka pang isang libo sa akin, para mabayaran mo na ko." Nakangisi kong paalala sakanya.

"Heh! Bayad mo 'yon sa pinagawa mo sa akin. Kumusta pala si Claire? Alam mo bang sumakit ang bangs ko sa dami ng nangbubully sakaniya noong nawala ka? At hinahayaan lang niya, nakakainis! Tapos lagi pa siyang tulala na parang namatayan. Ang sarap--" gaya ng pagkakatigil niya ay para bang may tumigil din sa akin nang gumuhit sa isip ko ang sinabi niya tungkol kay piglet.

"Oh! Kung ibebenta ko pala sa Pinas ang dalawang 'to hindi nila malalaman. Tingin mo?" naglalaro ang ngisi sa mga labi ni dwarfy ng mapansin ang katahimikan ng dalawa at pawang nakakunot ang mga noong nanood lang sa amin. Napangisi na rin ako at sumang-ayon.

"Yah! Just put a sock in it!" si Amethy na nawalan na ng pasensiya na ikinatawa naming tatlo.

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon