V20

6.9K 394 72
                                    

Vio Lakosta

Ang akala ko ay susugurin na naman niya ako pero ang ginawa niya ay tumakbo lamang siya palabas ng cafeteria. Madalas kasi ay haharap siya sa akin at sisigaw pabalik.

Sa pagtataka ko ay tumayo ako para sundan siya. Napikon na naman ang taba niya.

Naabutan ko siyang pumasok sa girls comfort room. Hihintayin ko lang sana siya sa labas ngunit ng marinig ko ang pag-iyak niya ay hindi na ko nag dalawang isip na pumasok. Salamat nalang at walang ibang tao kundi kaming dalawa lang.

"Hoy piggy anong nangyayari sayo?" Tanong ko at kinatok ang cubicle kung nasaan siya.

"Waaaah Im gonna die, there's so many blood!" Iyak niya.

Saglit akong natunganga sa sahig. Nagsimula na ang sumpa ng kaniyang pagkababae?

"You're not dying. You are having your first menstruation." Usal ko na ikinatahimik niya sa loob ng cubicle. Tanging singhot na lamang ang naririnig ko sakaniya.

"Wait for me here." Sabi ko.

"Saan ka pupunta? Wag mo kong iwan!" Tila naiiyak na namang sabi niya.

"Babalik ako. Diyan ka lang." Sabi ko at kumaripas na ng takbo papunta sa aking locker pagkatapos ay dumiretso ako sa clinic.

Dalawang katok ang ginawa ko bago ko buksan ang pinto ng clinic. Ngumiti sa akin si Nurse Jeaneth na naroon kaya pumasok na agad ako.

"May masakit ba sayo?" Tanong nito at tumayo mula sa pagkakaupo sakaniyang swivel chair.

"I need a pack of napkin with wings? And a pain reliever." Diretsong sabi ko at saglit na natulala sa akin ang nurse.

Kailangan kong mag madali. Baka ano pang gawin ni piggy doon at mag kalat pa siya.

"Para kanino? Sa girlfriend mo? Naku mga bata nga talaga ngayon masyado ng mapupusok." Natatawang sabi pa ni Nurse Jeaneth.

Naks naman. Nanghihingi lang ako ng napkin at pain reliever para kay piggy, kapusukan na agad ang nasa utak ni Nurse. Wengya!

"Ahh yung pang all night pad." Habol ko pa. Siguradong hindi kakasya kay piggy ang regular pad.

"Mag aral muna kayo ha? 'Tsaka na ang ibang bagay. Mahirap na ang buhay ngayon." Pangaral pa ni Nurse Jeaneth habang inilalagay sa paper bag ang mga hiningi ko.

Nang dahil sa napkin at pain reliever nabigyan pa ko ng lecture tungkol sa buhay. Pambihira.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now