V57

6.3K 411 46
                                    

Vio Lakosta

Nagising ako sa isang puting kuwarto. Ang kirot sa aking ulo ay walang tigil sa pagpintig. Humiga ulit ako sa kama, nagbabakasakaling mawala iyon.

"You're awake. Does it still hurt?" Isang babae ang lumapit sa akin at pinitik ang isang injection bago nito itinurok sa akin ang laman niyon.

"It will stop the pain in a minute. I'm sorry Vio." Aniya at unti-unti kong nararamdaman ang kaginhawaan na dulot ng ini-inject niya sa akin.

"Amethy.." Nagtatakang tawag ko sakaniyang pangalan ng makilala ko ng tuluyan kung sino ang babae.

"I don't know how they bring you here. I got tense when I saw you. You need to get out of here, Vio." She whisper in horror while pretending to check the monitor behind.

"Where are we?" I asked.

"I don't know. They bring me here after I signed the contract. And I think I know what they want from you." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko at prinoseso ang mga sinabi niya.

"Let's go.." Babangon na sana ako ng pigilan niya ako.

"The last time I check, someone died when he tried to escape. We need to think of a plan."

Noong una ay hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Ngunit ng may pumasok na isang lalaking naka white suit sa kuwarto at dalhin ako nito sa isang tingin ko ay opisina ay doon lamang ako natakot. Hindi dahil sa maaaring mangyari sa akin dito kundi sa katotohanang hindi ako makakabalik ng Pinas ngayon. Tangina. Hindi ko kaya ang hindi makauwi ngayong kailangan ako ng pamilya ko at ni piglet.

"..I will give you what you want just complete the formula." Sa lahat ng sinabi sa akin ng nakaharap kong lalaki sa opisinang pinaglabasan ko ay iyon ang pinaka tumatak sa akin.

Hindi ako makakauwi ngayon dahil sa isang formula na ilang taon na nilang binubuo. Their objective is good. Ngunit ang paraan nila ay hindi tama. Tingin ko ay marami ng namatay dahil sa gamot na pilit nilang binubuo.

Pagkatapos sa kwartong iyon ay dinala naman ako ng lalaking naka white suit sa isang laboratory.

"This is your room, your office and your private laboratory." Aniya bago ako tuluyang iwanan doon.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. May isang mesa sa gitna na puno ng mga experiment equipment. Bookshelf sa gilid na puno ng mga libro. Isang pinto na tingin ko ay ang sinasabi nitong magiging kwarto ko. Isang study table at isang computer. Nilock ko ang pinto at madaling nagtungo doon saka ko binuksan ang computer.

Napakapulido ng pagkakagawa ng kanilang system ngunit tingin ko ay may magagawa ako gamit ito.

Nagtipa ako ng mga codes hanggang sa maprocess ko iyon. Habang naghihintay na ma complete iyon ay tumayo ako at tinignan ang mga chemicals sa mga vectors. At sa lahat ng mga naroon ay iisa ang bukod tanging nakapukaw sa aking atensyon.

"Eliksir smerti."

Kukunin ko na sana ito sa istante ng may kung sinong kumatok sa pinto. Agad kong nilingon ang computer at nilapitan. Dalawang porsyente na lamang ay makukumpleto na ang ginawa ko. Mas naging malakas ang pagkatok ng nasa labas ngunit kailangan ko pa ng ilang segundo bago buksan iyon. Nang makumpleto ito ay agad kong pinatay ang computer at lumapit sa pinto.

"Is everything okay?" tanong ng isang lalaking nakaputing laboratory gown at pinasadahan nito ng tingin ang buong kuwarto.

"Yeah." Sagot ko at mas niluwagan ang pinto upang makapasok siya.

"They are all expecting for your cooperation. And I think they going to give you everything you want once you completed the formula." Aniya at lumapit sa computer. Imbes na kabahan ako ng buksan nito iyon ay lumapit ako sa mga container vectors at kumuha ng kaunting sample ng chemical na nakapukaw sa akin kanina saka ko sinilip iyon sa isang microscope.

Napangisi ako ng makita ko sa gilid ng aking mata na pinatay ulit nito ang computer saka hinilot ang kaniyang sentido. Tumayo ako ng tuwid at nilingon siya.

"If I complete the formula within an hour, do you think I can get out of here?" inosenteng tanong ko na ikinangisi niya.

"They are all watching you." aniya at tinapik ang aking balikat bago lumabas ng kuwarto.

One hour and I'm sure I can go home now, my love.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now