V32

7.6K 406 57
                                    

Vio Lakosta

"Anong sabi mo? Kasalanan ko pa ngayon kung bakit ka nag kalat sa field kanina ha? Sinabi ko bang kumanta ka?" Nagtatagis ang taba ni piggy ng ikulong na kami sa detention room.

"Oo. Kasalanan mo. Kung sanang kinakausap mo ako edi sana ay hindi tayo humantong sa ganito. Pambihira, ano ba kasing problema mo?" Ang balak ko ay kausapin siya ng maayos ngayon pero inuubos na naman niya ang pasensiya ko.

"Anong problema ko? Hindi ba sinabi ko layuan mo na ko? Ikaw ang problema ko kaya tigilan mo na ko!" Sigaw niya ulit sa akin.

"I really don't get you! What's your problem with me?" Tanong ko.

"You're so annoying! Araw-araw nalang nakakainis kana! My god! You're getting into my nerves!"

"Sa tagal nating mag kasama ngayon ka pa talaga nainis sa akin?" Binabadtrip talaga ako ng baboy na 'to.

"That's it! Punong-puno na ko sa'yo--"

"Can you please shut-up faggots?!" Sigaw ni dwarfy na ikinatahimik ni piglet.

Nilingon siya ni piglet. Tinignan niya ito mula ulo hanggang ulo.

"Kung anong problema niyo sa isa't-isa please lang wag niyo na akong dinadamay. Nakakabingi kayo!" masungit na sabi ni dwarfy 'tsaka ito bumaling sa akin.

Humakbang siya palapit sa akin. "And you! Nasaan na ang isang libo ko?"

"Isang libo mo? Baka nakakalimutan mo na nanghihiram ka lang." Patuya kong sabi sakaniya.

"Nag bago na ang isip ko. Kailangan mo akong bayaran ng isang libo para sa ginawa ko kanina. Muntik ng mawala ang scholarship ko dahil sainyong dalawa!" Aniya.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na magpauto ka sa payatot na yan." Sabat ni piglet.

"Sinabi mo bang uto-uto ako?" hindi makapaniwalang tanong ni dwarfy sakaniya.

Pambihira! May matino pa bang mangyayari sa loob ng detention room na 'to kung dalawang may saltik sa ulo ang mga kasama ko?

"Oo, nagpauto ka sakaniya. Iskolar ka? Edi dapat matalino ka? Anong nangyari sa utak mo te, naglakad palayo sayo?" Nagtataray na singhal ni piglet sakaniya.

"Buti nga ang utak ko naglalakad palayo. Bakit ikaw? Subukan mo din kayang maglakad palayo sa kusina?!" Singhal pabalik ni dwarfy kay piglet.

Napakurap ako. Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang aking ngiti. Humakbang ako paatras hanggang sa hindi ko na mapigilang mapangiti at nauwi iyon sa malakas na tawa. Wengya!

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now