V7

10.5K 477 91
                                    

Vio Lakosta

Lumabas siya at tiningala niya ako sa tapat ng kanilang gate. Malapit ng sumabog yung mga pisngi niya sa sobrang pula nito.

"Shut-up you fcking skeleton!" Sigaw niya.

Fcking Skeleton? Minura na ko, tinawag pa kong skeleton ng cute size drum na 'to. Ang lakas din ng tama niya.

"Wow! You're talking? I thought the only word you can say is oink-oink, baby oinker!" Sarkastikong sigaw ko pabalik sakaniya.

"Huh! I'm so scared! There's a talking skeleton up there!" Mariin niyang sigaw na mas lalong nag painis sa akin.

Sinarado ko ang bintana at marahas kong iniharang ang kurtina.

Sinisira ng baboy na 'yon ang araw ko.

Nakatulugan ko ang pagkainis ko sa piglet na bata. Nagising na lamang ako ng marinig ko ang sunod-sunod na pag katok sa pinto ng aking kwarto.

"Vio! Labas na!" Boses iyon ni Ate Mitz.

Wengya. Mukhang lulusob na naman ako sa gyera ng mga baboy nito. Kumpleto na naman sila.

"Yes, I'm coming!" Sigaw ko pabalik sakaniya.

Hindi na ko nag abalang magpalit ng damit. Gwapo parin naman ako at mabango kahit hindi ako maligo ng isang taon.

Gaya ng inaasahan ko pagkalabas ay pinaulanan na naman ako ng walang katapusang halik ng mga baboy kong Tita at Ate.

"Ang gwapo mo talaga!" Sabi pa ni Tita Shane.

Ngumiti ako sakaniya kahit hindi naman talaga ako natutuwa. Binalingan ko nalang yung aso niya na natutulala na sa kagwapuhan ko. Minsan ang sarap i-kaldereta ng asong 'to kaso mahal na mahal siya ni Tita Shane 'tsaka na kapag hindi na niya mahal.

Patungo na kami sa dining area ng may kumatok. Nagkatinginan pa mga kasama ko bago buksan ni Mama yung pinto.

"Ahh.. Good evening! Kami yung bagong lipat sa katapat niyong bahay, nag luto ako ng kaldereta.." Nahihiyang sabi nung babae na kasing tangkad ni Mama.

"Oh! Get inside.." Nakangiting paanyaya ni Mama.

Tapos napaismid nalang ako nung pagpasok niya ay nasa likod na niya yung piglet na lampa.

"Hi there! Talking skeleton." Nakangising sabi nito at kumaway pa.

Tumingin tuloy lahat sila sa akin. Wengya! Nadagdagan na naman ang mga baboy sa bahay na 'to.

--

The Anatomy Of Vio LakostaWhere stories live. Discover now