V23

7.2K 394 56
                                    

Vio Lakosta

Nasa library kami at nakatunganga lamang ako pagkatapos kong sagutan ang isang activity.

Nagpasya akong tumayo at pasadahan ng tingin ang bawat shelves, baka sakaling may hindi pa ako nababasa sa mga libro dito.

Napahinto ako nang mag salita ang isang babae. "Tingin sa baba, mababangga mo ko."

Sa liit niya ay kailangan ko talagang tumingin sa ibaba para makita siya.

"Pasensya na. Ang liit mo kasi, hindi tuloy kita napansin." Nakangisi kong sabi at natawa sa isipan ko ng sumama ang tingin niya sa akin.

"Totoo nga ang sinasabi tungkol sayo. Pero ang hindi ko maintindihan na hinahangaan ka parin ng karamihan kahit ang sama ng tabas ng dila mo." Masungit niyang sabi.

Gaya ni piggy may matambok siyang pisngi at tulad ni Ate Aiz may malawak din siyang airport kaso para siyang kinulang sa tulog at pinagkaitan ng gatas. Binukol ko ang dila ko sa aking pisngi para mapigilan ang aking pag tawa.

"Tumabi ka nga." Aniya pa ngunit hinarangan ko lamang ang dadaanan niya.

"Ano ba?" Bulyaw nito at napaatras ng dalawang hakbang.

"Ang cute mo. Pwede ba kitang gawing keychain?" Natatawa kong sabi sakaniya at lalo lamang lumukot ang mukha niya.

Nakakatawa. Ang sarap talagang mang asar kapag naiinip ako.

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon