Chapter 9

21.1K 423 13
                                    

Elaine's POV

"Walang hiya kang babae ka!"

Patuloy pa rin sa pagsisigaw si Aliyah habang pinipilit kumawala mula kay sir James.

Basang basa na ng luha ang mata niya at ganon din ako. Bakit kailangang mangyari ang mga 'to?

Napalingon naman ako agad sa pinto ng kwarto nang marinig kong umiiyak doon si Zaine.

Nagpunas ako ng luha at tumakbo sa anak ko. Agad ko siyang niyakap at kinarga. Isasarado ko na sana ang pintuan pero biglang dumating si Aliyah na pinipigilan pa rin ni sir.

"Putang ina kang babae ka! Malandi! Baka naman sa'yo rin yang batang yan James! Mga putang ina ka-"

"Shut the fuck up Aliyah!" Malakas na sigaw ni sir na mas lalong nagpaiyak sa anak ko.

Mas niyakap ko nalang siya at itinalikod mula sa kanila.

"Ako pa ngayon ha James?! Ako pa-"

"Tama na please! Maawa ka naman sa anak ko! Wala siyang alam dito." Umiiyak kong sigaw habang niyayakap ng mahigpit ang anak ko na humahagulgol.

"Gaga ka-"

"WHAT IS HAPPENING?!"

Napatingin kaming lahat kay ma'am na nagising na rin.

Agad siyang lumapit sa 'kin at niyakap kami ni Zaine. "Natatakot ang bata Aliyah!"

"Siya na naman ang kakampihan niyo?! Alamin niyo lahat!" Sigaw ni Aliyah at marahas na nagpunas ng luha.

"Ano ba kasi'ng nangyari? Pwede bang tigilan mo ang pag sigaw?" Kalmadong sabi ni ma'am.

"It was nothing mo-"

"Tumigil ka James!" Sigaw ni Aliyah saka matalim na tinignan si sir bago bumalik ang mata kay ma'am. "Nakita ko sila ni James sa may kusina na naghahalikan!"

"Hindi totoo yon." Mahina kong sabi.

Tumigil na rin sa pag iyak si Zaine at sakto namang dating na mayor Doma dito.

"Bantayan mo muna si Zaine. Subukan mong patulugin. Mag uusap kami." Utos ni ma'am. "Mauna na kayo sa sala ni Aliyah, James."

Agad namang tumango ang matanda at kinuha sa 'kin si Zaine. Mabuti nalang at mabait naman si Zaine.

Nauna na ding lumabas sila sir James kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag.

"Matulog kana baby ko. I love you." Malambing kong sabi kay Zaine.

"I wab you mama. Balik ka ga? I wab you lala."

Gusto kong umiyak uli. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari pagkatapos ng usapan mamaya.

"I love you more Zaine. Matulog kana." Malambing ding sabi ni ma'am bago hinalikan ng ilang beses si Zaine.

Hinawakan ni ma'am ang kamay ko at hinila palabas ng marahan. Sinarado niya ang pinto at hinarap ako.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon