Chapter 16

20.6K 410 30
                                    

Elaine's POV

Gusto na namang tumulo ng mga luha ko habang nakatingin sa bintana ng kwarto ni kuya mula sa labas.

Simula kanina hanggang ngayong gabi na at paalis na kami hindi na uli siya lumabas. Hindi naman ako galit sa kanya... kahit manlang sana magpaalam kami ni Zaine.

"Elaine... Kumain na muna kayo. Para sa akin muna ang señorito." Malungkot na sabi ni ate Lordes yakap yakap si Zaine.

Umiling ako. "Hindi na ate. Mas mahihirapan lang akong umalis, wala din naman akong gana. Pwede mo namang bisitahin kahit anong oras si Zaine ate. Pangako 'yan."

Tumulo na ang mga luha niya bago ako yakapin kahit buhat buhat si Zaine.

"Tatawag ka ha? Mag iingat kayo." Malungkot niyang.

Tumango ako at nagpunas ng luha bago lumayo sa kanya at kunin si Zaine.

"Kiss mo na si ate Lordes." Bulong ko kay Zaine at ginawa naman niya.

Pumasok na 'ko sa sasakyan na dala nila ZEM at tuluyang nagpaalam kay ate.

"Paalam ate. Pakisabi kay kuya mahal na mahal ko pa rin siya. Salamat sa lahat."

Itinaas na ni ZEM ang bintana at malungkot ko nalang na tinignan si ate Lordes sa harapan ng bahay ng kapatid ko.

Masakit lang dahil hindi manlang kami nakapag paalam sa isa't isa ni kuya.

Nagsimula nang magpatakbo si ZEM ng sasakyan kaya mas niyakap ko nalang si Zaine.

"Elaine are you comfortable? You want us to carry Zaine?" Tanong ni TAM mula sa likuran.

"Hindi na. Ayos lang po."

Inaantok na rin si Zaine kaya nahihiya akong tumingin kay ZEM.

"What?" Malamig niyang tanong.

"Uhm may... may bimpo ka ba diyan o damit na extra?"

"Why?"

"Uh kailangan nang dumede sa 'kin ni Zaine." Mahina kong sabi.

"I don't ha-"

"It's okay Elaine. Nothing's wrong with it." Pagputol naman ni TAM sa sinasabi ni ZEM at malokong ngumiti sa 'kin.

Bigla namang nag preno ng malakas ZEM at mabuti nalang hindi nauntog si Zaine.

"What the fuck Ethan?! You have your son infront!" Galit na sigaw ni Yu-Rhi.

Niyakap ko naman si Zaine dahil hindi siya sanay sa sigawan.

"Get out of my car Tris Aiden!" Galit ding sabi ni ZEM habang nakatingin kay TAM sa rear view mirror.

"Woah woah. I was kidding ZEM." Agad na sabi ni TAM.

"Here Elaine. You can use this." Sabi nalang ni Yu-Rhi at ibinigay sa 'kin ang coat niya.

"Salamat." Sabi ko nalang bago ko ayusin si Zaine sa kanlungan ko.

"Stop glaring and drive now, nerd. And don't give us shits there, player. My gun is with me." Kalmadong sabi ni Yu-Rhi.

Nag drive na uli si ZEM at wala ng nagsalita pero nararamdaman ko siyang tumitingin sa 'kin paminsan minsan.

"Drop me infront of my company nerd." Biglang sabi ni Yu-Rhi.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon