Chapter 21

18.9K 384 27
                                    

Elaine's POV

Mahigit isang linggo na din kami dito sa America at sa loob ng mga araw na 'yon ay nakakulong lang ako dito sa bahay. Buti pa nga si Zaine ipinasyal na ni ZEM ng tatlong beses. Gusto ko din naman sanang pumasyal pero nahihiya naman ako at natatakot.

Kasalukuyan ako ngayong naghahanda ng mga lulutuin ko para sa dinner.

Nasa sala naman si Zaine at naglalaro. Si ZEM naman hindi pa dumadating.

"Elaine we're leaving." Nakangiting sabi ni Jolly na kakapasok lang ng kusina.

Isa siya sa tatlong katulong dito at siya lang ang mabait sa 'kin. Sila Rue at Kia palaging mataray sa 'kin at hindi ko alam kung bakit.

Madalas kong marinig na panigurado daw... pang PAST TIME lang ako ni ZEM. Hindi nalang ako nagsasalita dahil pakiramdam ko totoo naman ang mga sinasabi nilang insulto.

Ngumiti ako at naghugas ng kamay bago lumapit sa kanya.

"Thank you. Be careful." Sabi ko.

"Surely will." Sabi niya bago lapitan si Zaine at halikan ito. "Good bye handsome."

"Bye bye!" Sagot din ni Zaine.

Nagpaalam silang tatlo kay Zaine bago umalis.

Ayos lang na hindi maganda nag trato sa 'kin ng lahat ng tao basta kay Zaine hindi.

Bumalik na 'ko sa kusina at itinuloy ang mga ginagawa ko.

Six PM na din kaya kailangan ko nang simulan magluto.

Maya maya pa ay narinig ko ang pagdating ng sasakyan ni ZEM at ilang segundo lang narinig ko'ng pagbukas ng pinto.

"FUCK! Zaine!"

Kaagad akong tumakbo at nagpunta sa kinaroroonan ni Zaine nang marinig ko ang sigaw ni ZEM.

Nadatnan kong buhat niya si Zaine sa gitna ng hagdan at marahan itong sinusuri.

"Son what were you doing there? Damn, you scared me." Mahina niyang sabi habang yakap si Zaine.

Gusto kong itanong kung ano'ng nangyari pero ganun nalang ang takot ko nang tumingin ng masama sa 'kin si ZEM.

Yumuko ako pero agad akong tumakbo sa kusina nang maalala kong nagluluto nga pala ako.

Nasunog na ang ginisa kong mga sibuyas. Mabuti nalang at yon palang ang nakasalang.

Narinig ko'ng mga yabag ni ZEM na mas nagpadagdag ng takot at kaba ko.

Galit na galit siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

Agad akong naluha at nanginig sa takot dahil do'n.

"HOW IRRESPONSIBLE OF YOU! Iniwan mo mag-isa sa living area si Zaine! He climb up the stairs and almost fell down!" Galit na galit niyang sigaw sa 'kin habang mas hinihigpitan ang hawak niya sa braso ko.

"ZEM sorry. Hindi naman kasi niya dati ginagawa 'yon." Umiiyak kong sabi.

"My son is just a baby! Not an infant anymore but still a baby! You should've left him in his crib!"

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon