Chapter 41

21.3K 456 31
                                    

Elaine's POV

"Anak! Elaine!"

Lumingon ako sa kanan ko at ngumiti. Nakita ko agad si ma'am Jane na masayang kumakaway sa amin... kasama ang anak niya na nakangiti rin.

Kararating lang namin sa Pilipinas at nandito palang nga kami sa airport.

Tinignan ko ang anak ko at tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid niya.

"Anak?"

"Momma?" Malambing niyang tanong at yumuko.

"Baby, there is lala Jane o." Sabi ko at itinuro sila ma'am.

Tinignan naman siya ni Zaine at ngumiti bago tumango.

Binuhat ko nalang siya at agad kaming lumapit sa mag ina.

Agad namang kinuha sa akin ni ma'am ang anak ko at hinalikan nalang ako sa pisngi.

"Ang baby ko! Kamusta kana anak? Mas tumaba ang baby ko ah!" Masaya niyang sabi at hinalik halikan si Zaine. "Elaine mauuna na kami sa sasakyan. Come." Sabi ni ma'am at inaya ang kasama namin saka nauna na.

Tinignan ko naman si sir James na kanina pa nakatitig sa 'kin.

"Kamusta po?"

Ngumiti naman siya at tumingin sa ibang direksyon. "Elaine, please forgive me."

Lumapit naman ako at ngumiti. "Kalimutan na natin yun sir. Kamusta na pala kayo ng asawa mo?"

"Well uh- we got a lot of talking to so I guess... I'll drive you to your place first." Nakangiti niyang sabi.

Tumango naman ako at sabay kaming nagpunta sa sasakyan niya.

- - - - - -

Muli kong nilibot ng tingin ang bahay bago umupo kaharap si sir James.

Oo bahay, bahay na binigay ng mga Mendoza kay Zaine. May mga groceries din at naabutan namin kanina ang ibang tauhan ni Yu-Rhi na nagbigay ng susi sa amin.

"How are you Elaine?" Tanong ni sir na nagpabalik sa 'kin sa mundo.

Kaming dalawa lang ang magkaharap ngayon sa dining table dahil nasa kwarto na din sila Zaine kasama si ma'am.

"Okay naman s-"

"Please, just James."

Ngumiti ako at tumango. "Medyo okay na 'ko James. Kumpara naman noong na kay ZEM pa 'ko." Malungkot kong sabi.

"Pumayat ka. He really didn't take good care of you." Mahina niyang sabi.

Ngumiti nalang ako ng mapait. "Ni minsan hindi 'yon nangyari."

"I heard about your brother... I'm sorry."

Tumango nalang ako.

"Well, me and Aliyah... we split because she was too insensitive. She miscarried our baby during its fifth month." Malungkot niyang sabi at umiling. "I told to myself, the next time I'll lay down a woman, it's a love making. Not sex alone."

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon