Chapter 30

21.2K 405 48
                                    

Elaine's POV

"Tulog na ba sila?"

Hininto ko ang pagsuklay ng buhok ko at tumingin kay ZEM na kakalabas lang ng banyo.

"Oo. Itinulog na din ni Aki ang lungkot niya." Sagot ko.

Maagang natapos ang funeral kaya agad din kaming umuwi kanina. Tapos na din ang dinner at hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na maayos na kami ni ZEM.

Tumango siya at nagpunta sa tabi ko para kunin ang suklay na hawak ko.

"Stand up." Utos niya kaya naman ginawa ko nalang.

Umupo siya sa inuupuan ko at ganun nalang ang gulat ko nang hilain niya 'ko paupo sa kanya at sinimulang suklayin ang buhok ko.

"I used to comb my sister's hair before." Mahina niyang sabi habang nagsusuklay pa din ng buhok ko.

"Ate? May kapatid kayong babae?" Nagtataka kong tanong at naalala kong meron nga.

Nakalimutan ko na din kasing meron dahil walang balita at hindi ko pa nakikita ng personal.

"Don't you remember ate Zharn? Nicka Zharina?" Tanong niya.

"Ah oo. Naalala ko na. Model siya pero ba't wala ng balita sa kanya?"

"Aiden said she's working in Switzerland but I don't know if it's true."

"Ha? Bakit? Magulo yata."

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi niya alam eh kapatid niya 'yon.

"I know there's something Aiden knows that we don't know." Malamig niyang sabi.

"Matagal niyo na siyang hindi nakikita?" Tanong ko.

"Yeah. More than a year."

Hindi nalang ako nagsalita. Nakakahiya naman baka hindi ko dapat malaman.

"Your body's perfect Elaine." Bulong niya at napasinghap nalang ako nang halikan niya 'ko sa leeg. "I wish I met you first."

Napapaungol nalang ako sa bawat halik niya sa leeg at balikat ko. Nagsisimula nang lumikot ang mga kamay niya sa iba't ibang parte ng katawan ko. Ilang gabi na ding walang nangyayari sa amin ni ZEM at masaya ako dahil mukhang maingat siya ngayon na matagal ko ng hiling.

"I'm sorry. I promise I will love you." Paulit ulit niyang bulong habang inaalis ang nightie ko.

Binuhat niya 'ko nang maalis niya ang mga damit ko papunta sa kama. Inalis muna niya ang mga damit niya bago siya pumaibabaw sa 'kin.

Kinakabahan ako pero alam kong hindi ito takot at hindi din ito ang unang beses namin pero ibang iba kasi ngayon.

"Can you still accept me?" Mahina niyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko.

Ngumiti ako ng matamis at hinawakan siya sa mukha. "Oo naman. Mahal kita at gusto kong bigyan ng buong pamilya ang mga anak natin."

"Now I know how dumb I am for hurting you. Your heart is very clean and pure." Malungkot niyang sabi.

Bumaba ang mga mata niya sa katawan ko at hinaplos ang mga parteng madalas magkaroon ng pasa.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon