Chapter 27

19.9K 383 36
                                    

Elaine's POV

Nakangiti akong nakatingin sa mga batang mag ka kamukha na naglalaro ngayon sa garden. Pati si Aki ay nakikipag laro na din sa mga pinsan at kapatid niya. Magkakasing edad lang naman sila halos. Anak ni TAM ang matanda sa lahat. Ang kambal na anak ni Yu-Rhi at si Aki ay dalawang buwan ang tanda kay Zaine.

Pangalawang araw na naming lahat dito sa mansion. Maganda na daw ito para pagbigyan naman si mommy Anne at para mag bond naman ang mga anak namin.

Binabantayan muna namin ni Brie ang mga bata dahil kumuha ng makakain sila mommy Anne at Aloha.

"Elaine aren't you angry at ZEM?" Tanong ni Brie kaya naman napatingin ako sa gawi niya.

Agad akong umiling sa tanong niya. "Hindi. Bakit mo na tanong?"

"Well kung ako sa'yo, malalaman kong may ibang anak pa si Yu-Rhi... magkakamatayan kami." Masungit niyang sabi.

"Brie mas nauna si Arkisha at Aki sa buhay ni ZEM. Tsaka isa pa wala namang alam ang bata." Sagot ko.

"Yeah. I get that point Elaine. But... what if Arkisha and Warren's marriage will be annulled? What if she'll get her son from you... together with ZEM?" Malungkot siyang tumingin sa 'kin. "Add the fact that ZEM loves Arkisha. I bet he'll immediately choose her over you. No offense meant darling."

"Brie naisip ko na 'yan sa mga oras na nalaman ko yung tungkol sa Aki..." Pilit akong ngumiti. "Wala naman akong magagawa kung ano'ng magiging desisyon ni ZEM. Pero alam mo... ginagawa ko'ng lahat para si Zaine naman ang piliin niya."

Pinigilan ko ang mga luha ko. Ayokong umiyak. Lalo na kung makikita ng anak ko.

"Is he gonna marry you?"

"Hindi ko alam Brie." Agad kong sagot.

"Why don't you try to be tough sometimes?"

"Brie, alam mo naman si ZEM. Kung ganon na nga siya, magpapakatigas pa 'ko... paano nalang? Walang mangyayari Brie. Lalo na't hindi naman ako mahal ni ZEM. Hindi ako aasa na susuyuin niya 'ko. Hindi mangyayari 'yon. At okay lang naman." Malumanay kong sabi at ngumiti.

"Gosh. Ma suwerte pa pala ako sa abnormal kong asawa. Kahit boss siya at least ako ang batas niya. I thought he's the worst amongst Mendozas. But we both know the answer." Inikot niya'ng eyeballs niya at nag ayos ng buhok.

Ngumiti nalang ako at tinignan muli ang mga bata. Napaka suwerte nga naman nila Aloha at Brie.


- - - - - -

"Elaine, umupo kana hija." Malambing na sabi ni mommy nang makita niya 'kong palapit sa dining table.

Kumakain na sila ng hapunan at nahuli ako dahil pinatulog ko pa sila Zaine at Aki. Umiyak na naman kasi ng umiyak si Aki. Siguro miss na niya ang mommy niya o kaya naman siya ang miss na ni Arkisha.

Ngumiti ako at umupo sa tabi ni ZEM.

"Mabuti naman at meron kana. Sakto lang at hindi pa kami nagsisimulang kumain." Nakangiting sabi ni mommy.

"Elaine what happened to your chest?" Tanong sa akin ni Aloha.

Siya kasi ang katapat ko.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon