Chapter 28

19.5K 387 66
                                    

Elaine's POV

"Ethan walang mag aalaga kay Zaine." Nag aalalang sabi ng mommy niya at nilapitan siya.

Nakayuko lang ako sa pagkain. Hindi ko alam kung ano'ng naramdaman ko. Oo kaagaw ko si Arkisha kay ZEM. Pero ni minsan hindi ako nagalit sa kanya at mas lalong hindi ko ginusto na mangyari 'yon sa kanya. Isa pa kawawa naman si Akirho.

"But mom..." tumayo siya at hinawakan ang kamay ng mommy niya. "I need to see her. I want that Warren to pay what he-"

"He did nothing dude. He has no sins about what had happened." Sabat ni Yu-Rhi sa usapan.

"Who are you to say that?!" Galit na sigaw ni ZEM.

Agad siyang hinawakan ni mommy. Tumayo na din si TAM at tumabi sa inuupuan ni Yu-Rhi.

"Simple. I'm someone who knows more than what lawyers had studied." Walang emosyong sabi ni Yu-Rhi.

"Of course you do! You're a goddamn killer!" Sigaw ni ZEM.

"You shut up ZEM!" Agad na sigaw din ni Brie.

"No! You tell your husband to shut up! And it's the truth! That man is more than a killer!"

"Atleast he has balls! Unlike you! Tanga ka ZEM, bobo, at bulag!" Hinawakan siya ni Yu-Rhi pero hinila niya ang kamay niya mula kay Yu-Rhi. "Warren has nothing to do with what happened to Arkisha! Una palang naman kasi dapat hindi pumatol sa'yo si Arkisha dahil kasal siya! At ang kapal mo para magpakita ng ganyang emosyon sa harap ni Elaine! Ang kapal mo! Put me down Yu-Rhi!" Agad siyang binuhat ni Yu-Rhi kaya sigaw pa rin siya ng sigaw hanggang sa ipasok niya ito sa kwarto nila.

Tinignan ko si ZEM at hindi siya nagsasalita habang nakatingin sa direksyon kung nasaan kanina si Brie.

"Sorry to say Ethan but Brie's right. Kayo ang mali simula palang. If I were you... just get a life with your family, away from Arki." Sabi naman ni Aloha at lumapit kay TAM saka ito hinalikan. "I'll check your boy." Saka umalis at sakto namang dating ni Yu-Rhi.

"Is it that bad for me to show my emotion?" Mahinang sabi ni ZEM at bumaling sa ibang direksyon.

"It's not that ZEM." Sagot ni TAM. "Pero kasi... sa emosyon mo, na halata na ng lahat na lumambot na naman ang puso mo kay Arki. Baka isang iyak lang niya sa'yo balewalain mo na naman ang pamilya mo."

Tumulo na ang mga luha ko at agad ko itong pinunasan.

"It's not easy stop loving her."

Pumikit ako ng mariin sa narinig ko. Mahal pa rin niya.

"How insensitive you are, nerd, to say that infront of Elaine." Mahinang sabi ni Yu-Rhi habang prenteng naka upo.

"She's not my wife after all."

"Don't wait for me Ethan to punch that damn mouth of yours." Galit na sabi ni TAM.

"Anak, tigilan mo na lang si Arkisha. Kapag pumunta ka pa doon mas lalala ang gulo anak ko." Nagmamakaawang sabi ni mommy.

"Ethan, Arkisha gave Aki to you. Forget her... everything you need in life is around you already." Seryosong sabi ng daddy niya at hinawakan nito ang kamay ko na nasa lamesa. Ngumiti siya sa 'kin. "Stop crying love."

"I at least want to see her." Malungkot na sabi ni ZEM.

"Nerd-"

Hindi natuloy ni Yu-Rhi ang sasabihin niya nang tumunog ang cellphone ni Dave.

Sandali itong umalis at pagbalik niya ay seryoso siyang nakatingin kay ZEM.

"Mr. Ethan... Arkisha's dead."

- - - - - -



Nang sabihin ni Dave ang balita, umalis si ZEM at pinasundan lang siya ni Yu-Rhi sa isa sa mga tauhan niya. At dahil d'on nalaman namin na sa isang parke siya nagpunta. Mabuti nalang at doon lang siya. Mabuti at hindi siya nagpumilit pumunta sa Los Angeles.

Umakyat nalang ako sa kwarto niya at naligo saka pinilit matulog. Nasa tig isang crib sila Aki at Zaine kaya naman mag isa lang ako sa kama at hinihintay si ZEM.

"Elaine..."

Agad akong nag mulat ng mata nang marinig ko'ng boses ni ZEM.

Mahina ito at alam kong umiyak siya.

Umupo ako sa kama at nagulat na lang ako nang lumuha si ZEM ng sunod sunod at yumakap pahiga sa 'kin.

"Elaine... Elaine, baby, I'm sorry."

Nakasubsob sa leeg ko ang mukha niya at mahigpit itong naka yakap sa 'kin.

Agad ko naman siyang niyakap at hinalikan sa noo. "ZEM... okay lang. Ilabas mo lang emosyon mo. Alam kong mahal mo siya at sobrang sakit nito sa'yo. Okay lang ZEM. Nandito lang ako." Lumuluha kong sabi.

Alam kong masasaktan ako sa mga maririnig ko pero kailangan kong pagaain manlang ang pakiramdam niya.

"Elaine, I loved her ever since. I did everything for her. She kept on rejecting me. She kept on loving him. She kept on choosing him. Elaine, she never saw me." Umiiyak niyang sabi.

"ZEM pareho tayo ng nararamdaman." Mas niyakap ko siya. "Mahal na mahal kita. Lahat din ginawa ko para sa'yo. Pero palagi mo 'kong tinataboy... sinasaktan. Palagi mo siyang minamahal nandito naman ako. Palagi mo din siyang pinipili kahit sobrang nasasaktan ako. Ni minsan hindi mo 'ko nakita dahil nandiyan siya lagi sa puso mo. Pareho lang tayo ZEM. Pero wag kang mag alala. Hindi naman ako susuko sa'yo."

Dahan dahan siyang bumangon at tinitigan ako sa mata. Basang basa ng luha ang mga mata niya kaya naman pinupunasan ko ito gamit ang mga kamay ko.

"Palagi ka man niyang pinapaiyak, nandito naman ako para punasan ang luha mo. Kahit palagi ka niyang sinasaktan ZEM mamahalin naman kita." Umiiyak kong sabi at hinawakan ang mukha niya. "Hindi ako masaya sa pagpanaw niya. Pero ZEM... Ngayong wala na siya, pwede bang ako naman. Pwedeng ako nalang? Para sa pamilya natin ZEM. Para sa mga anak natin."

"I never did something good to have you."

Ngumiti ako. "Pupuntahan natin siya bukas. Ayusin natin ang lahat, pwede ba?"

Tumango siya. "I'll face Warren. We'll settle everything. I'll say my good bye to her... I'll take care of my sons... I will marry you."

Alam ko namang si Arkisha lang ang dahilan kaya hindi sinusubukang magmahal ng iba ni ZEM. Pero kahit ganon pa, tutulungan ko si ZEM. Mamahalin ko siya.

Hindi ako tanga... iniisip ko ang kalagayan ng mga anak namin. At matutulungan ko si ZEM. Handa akong kalimutan ang lahat maging masaya lang ang mag ama ko.

- - - ◾ - - -

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon