Chapter 20

20.5K 392 31
                                    

Elaine's POV

"Elaine wake up." Mahina at malamig na boses ni ZEM ang gumising sa 'kin.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko at nag ayos ng buhok.

"Yeah. We're about to land." Sagot niya bago kinuha sa 'kin si Zaine na natutulog pa.

Eksaktong twelve in the afternoon kami dumating dito sa New York. Halos alas sais na din kasi kami nakaalis ng Pilipinas dahil nga nasa hospital si ZEM.

Ang sabi naman ng doktor kinailangan lang gamutin ang mga sugat niya.

Bago din ako dinala doon ni TAM kinausap muna nila ako ni Yu-Rhi.

"We're here Elaine. We will not tolerate Ethan for hurting you."

"I would gladly kill him Elaine. Just a word from you."

Naluha nalang ako sa tuwa dahil sa pagmamalasakit nila sa akin. Nasabi din ni TAM na si Yu-Rhi ang may gawa kay ZEM non kaya siya na hospital. Matindi daw ang galit nito dahil naalala niya ang mommy nila noong sinasaktan din siya ng daddy nila.

Nakalapag na nga ang private plane na pagmamay ari ng mga Mendoza.

Nakangiting ginising ni ZEM si Zaine bago tumayo buhat buhat ito.

Agad naman akong sumunod at kaagad nilibot ng tingin ang America.

Ngayon lang ako naka tapak sa ibang bansa kaya naman hindi ko maiwasang mamangha.

Sabi ko noon sa sarili ko dito ako magtatrabaho at hahanapin ko si kuya.

Pero wala. Pinagpalit ka lang niya sa pera.

"ELAINE!"

Agad akong lumingon sa direksyon nila ZEM at dali daling lumapit.

"Don't be so ignorant. This is just an airport." Masungit niyang sabi at naglakad na.

Sumabay na din ako sa paglakad pati na rin ang mga lalaking may dala ng gamit namin.

Agad naman silang pinag buksan mag ama ng pinto ng kotse.

Maraming sinasabi si Zaine at masaya naman itong sinasagot ni ZEM.

Ngumiti ako. Ayos lang na hindi maganda ang pakitungo niya sa 'kin basta magiliw siya kay Zaine.

Sumakay na din ako at binuhat si Zaine sa hita ko.

"Gusto mo pa bang matulog anak?" Malambing kong tanong at hinalikan siya sa noo.

Umiling siya at sumandal sa 'kin.

"Elaine we'll do a lot of talking when we get home."

Tumingin ako kay ZEM at tumango. "Oo."

"Patulugin mo si Zaine. Traffic ahead."

"Anak tulog kana." Nakangiti kong sabi sa kanya.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon