Chapter 35

19.1K 422 43
                                    

Elaine's POV

"ZEM sa simbahan ba tayo ikakasal?" Tanong ko kay ZEM habang nakatingin sa bintana.

Matagal na din ako dito pero hindi pa 'ko nakakalayo manlang sa bahay. Madalas kasi nakakulong lang ako at si Zaine lang ang inilalabas ni ZEM.

"No. Just in our yard." Simpleng sagot niya habang nagmamaneho.

Hindi nalang ako umimik pero siyempre hindi ko naiwasang hindi malungkot. Halos lahat naman ng babae pangarap ikasal sa simbahan. Naalala ko tuloy yung promise ni papa na isasayaw niya 'ko sa 18th brithday ko at sa mismong kasal ko.

Miss na miss ko na sila. Kung pwede ibalik yung mga panahon na kasama ko sila. Kung siguro hindi sila namatay agad hindi ako nahihirapan. Siguro hindi ko nakilala si ZEM at hindi ako nasasaktan ng sobra. Siguro magkasama pa rin kami ni kuya.

Ngumiti ako ng mapait at nagpunas ng luha na tumulo na pala.

Okay lang Elaine. Kung hindi mo nakilala si ZEM walang Zaine ngayon na nagpapasaya sa'yo.

"Now you're crying. I can't understand you. Papakasalan kana nga umiiyak ka pa rin." Iritadong sabi ni ZEM.

Agad akong umiling at nilingon siya. "Hindi ikaw ZEM. Naalala ko lang sila mama at si kuya. Wala manlang siya sa kasal ko."

"He just left. Why can't you just put it in your mind that he abandoned you already." Malamig niyang sabi at tinignan ako sandali.

Gusto ko sanang magsalita at sagutin siya dahil ang init ng dugo niya kay kuya pero hindi ko nalang ginawa. Ayoko ng away. Ako din naman ang talo.

Ilang minuto din kaming tahimik habang nasa loob ng sasakyan. Pareho lang kaming napatingin sa cellphone niya nang nag ring 'yon.

Kukunin na sana niya nang sakto namang tumigil na ang caller kaya hindi nalang pinansin ni ZEM.

"Ahm, hindi mo manlang ba titignan kung sino 'yon?" Tanong ko.

"That caller will call again if he badly needs something." Matabang lang niyang sagot.

Hindi nalang ako nagsalita at pinanood ang mga nadadaanan namin. Ang ganda talaga dito sa America. Kailan ko kaya 'to malilibot ng masaya ako?

"Do we still need to hire someone to make your gown?" Tanong niya matapos ang ilang minuto.

Siguro kung hindi malamig ang tono niya matutuwa ako. Pero kasi parang tinatamad lang siya.

"Ikaw ang bahala ZEM kung ano sa tingin mo'ng mas okay." Sagot ko nalang.

Pakiramdam ko hindi din siya masaya sa kasal namin. Pero wala naman siyang ibang choice. At alam ko dahil lang din sa mga bata. Pero kung siya ay dahil lang sa mga bata... ako, para kasi lahat 'to sa mga bata.

"I asked because I still want to know your opinion." Iritado niyang sabi. "Kung ako naman kasi, we can just buy to a luxurious stall or what."

Yumuko ako at ilang beses nag bukas sara ng mata para hindi tumulo ang mga luha ko.

"ZEM akala ko ba maayos na tayo?" Malungkot kong sabi at tumulo na nga ang mga luha ko.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon