Chapter 36

19.1K 407 23
                                    

Elaine's POV

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay ZEM nang itigil niya'ng sasakyan sa harap ng bahay niya.

Bakit kami nandito? Bakit hindi sa mansion nila?

"I know you'll talk to my parents. And I'm preventing you from doing it." Sagot niya habang nakatingin lang ng deretso.

"ZEM kakausapin ko sila ng maayos." Pagpupumilit ko.

Oo yun talaga ang balak ko. Gustong gusto ko nang maki usap sa magulang niya para na din sa ikabubuti ng lahat.

"Whatever you'll say it'll provoke my dad to ban me from what I deserve!" Galit niyang sigaw at hinampas ang manubela.

Agad ko namang itinaas ang mga kamay ko sa takot na saktan niya 'ko. Alam ko... alam kong hindi na maganda ang epekto ng lahat sa 'kin. Alam kong may trauma na 'ko.

"Once you talk to dad about canceling the wedding everything I have will be thrown away!" Sigaw pa rin niya. "The company... I gave and did everything for that and I know dad won't have a second thought about kicking me out! And that company should be mine! I can't lose it."

Agad akong naiyak nang hilain niya 'ko palapit sa kanya hawak ang likod ng ulo ko.

"ZEM tama na please."

"Lahat ng mamanahin ko na para naman talaga sa 'kin mawawala kapag nagsalita ka kay dad! I can't stand to lose them all just because of you!"

"Eh di sana maging mabuti ka naman sa 'kin kahit konti!" Sigaw ko pabalik sa kanya. "Sana ZEM pakitaan mo 'ko kahit konti ng kabaitan 'di ba? Sana kahit konting awa magkaroon ka! Eh 'di hindi sana tayo ganito! Ginagawa ko naman lahat pero puta pa rin ako sa'yo!" Umiiyak kong sabi.

Ayoko na! Ngayon alam ko na. Gusto niya buo kami para makuha niya'ng gusto niya.

"Because I don't love you! And I will never ever do!"

"Pwes tigilan mo na 'ko. Palayain mo nalang ako! Ayoko na sa impyerno! Ayoko na sa'yo ZEM!"

Tama na! Punong puno na 'ko. Wala namang nangyayari eh. Walang nagbabago.

Binitawan niya 'ko at agad lumabas ng sasakyan niya pero ganun nalang ang gulat ko nang buksan din niya'ng pinto sa tabi ko at sapilitan akong hinila paloob ng bahay niya.

Sigaw ako ng sigaw... sinubukan kong kumawala pero ano namang laban ko?

"ZEM please! Ayoko na sa'yo please naman!" Sigaw ko habang patuloy lang siya sa paghila sa 'kin papasok ng kwarto.

"You are not leaving!"

Agad akong napadaing nang itulak niya 'ko ng malakas sa sahig.

"Demonyo ka ZEM! Ayoko na!"

Sinubukan kong tumakbo sa pintuan pero agad siyang humarang at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

"Umayos ka Elaine! Umayos ka kung gusto mong makita pa si Zaine! Don't you dare me!"

"ZEM anak ko 'yon. Hayaan mo nalang kami!" Pagmamakaawa ko habang iyak pa rin ng iyak.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon