Chapter 39

20.4K 405 18
                                    

Elaine's POV

"GODDAMN IT! Get out of the way you rebel! That woman's mine!"

Agad akong bumangon mula sa kama nila Zaine at Aki nang marinig ko 'yon. Hindi naman kasi naka sara ng tuluyan ang pintuan kaya rinig na rinig ko ang sigawan nila sa baba.

Alam kong kay ZEM galing ang mga saliang 'yon. Hindi na nakakapagtaka kung pupuntahan niya 'ko pero hindi ko maiwasang hindi matakot. Kung gising lang siguro si Zaine yakap ko siya ng mahigpit.

Dahan dahan akong lumabas ng silid at sumilip sa baba.

Maraming lalake sa baba. Meron yata sa anim at hindi pa kabilang do'n sila Yu-Rhi, ZEM at ang ama nila.

"How dare you to do this?! Kakausapin ko siya!" Sigaw ni ZEM at nagtangkang umakyat ng hagdan pero naka harang doon ang tatlong lalake na naka itim.

"Fuck! Get out of my way!" Sigaw niya at akmang susuntukin ang isa pero hinawakan siya ni Yu-Rhi sa braso at hinila paharap sa kanya.

Agad naman akong tumakbo para isara ang pintuan kung saan natutulog sila Zaine. Buti nalang at nakapag pahinga ako kahit papano at nagamot ang ilang sugat ko.

"Ethan! Look at yourself! Baliw kanang gago ka!" Sigaw ni Yu-Rhi at itinulak si ZEM sa upuan.

Ibang iba ang itsura ngayon ni ZEM. Magulo ang suot niya pati buhok. May mga sugat siya sa mukha at parang hindi siya edukado kung kumilos. Ibang iba sa seryoso at kagalang galang na ZEM.

"Anak? Ano'ng nangyayari?"

Tinignan ko si mommy at umiling. "Hindi ko na po alam ang nangyayari kay Ethan." At tumulo ang ilang luha ko.

Hindi ko ginusto na may mahirapan sa 'min. Hindi.

"It's late Elaine. Take a rest." Malumanay niyang sabi at pinunasan ang luha ko.

"Hindi po ako makatulog."

Pinanood ko uli sila sa baba at kita ko kung paano manggigil si Yu-Rhi kay ZEM.

"My son's drunk." Malungkot na sabi ni mom sa tabi ko. "Hindi niya nako-control ang sarili niya kapa-"

"Alam ko po 'yan. Alam na alam po."

"I have to talk to her! I know ilalayo niyo na sila sa 'kin. I can't stand to lose everything. I can't stand in the reality that I'm alone!" Galit na sabi ni ZEM pero hawak na siya ng mga lalake sa upuan.

"How can you hurt her Ethan?" Matigas na sabi ni dad. "She has her trauma now. She doesn't even let us hold her hand. Her eyes shut open everytime someone walks in. Ethan bigla bigla nalang naluluha si Elaine! How could you not have a conscience?! What happened to you Etha-"

"I'm just you! I'm your younger version dad aren't you happy?!" Sigaw ni ZEM.

"I changed Ethan when your mom gave birth to you!" Lumapit si dad at akmang sasaktan si Ethan pero pinigilan siya ni Yu-Rhi. "How could you ignore her sobs and soft voice Ethan?! Can't you see your mom to her?!" Can't you?!"

"Whatever you two say! I want to see her!"

Agad akong pumasok sa kwarto at alam kong sinundan ako ni mommy. Kinuha ko mula sa cabinet ang isang maleta at sinimulang ilagay do'n ang mga gamit ni Zaine.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon