Chapter 23

18.7K 413 33
                                    

Elaine's POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin kay ZEM na dahan dahang papasok.

Ilang segundo din silang nag titigan mag ama bago malamig na nagsalita si ZEM.

"I'll explain every detail."

Tumawa ng mahina si Sir Nick bago itinumba sa harap ni ZEM ang isang malaking vase.

Napahiyaw nalang kami ni ma'am Anne dahil sa gulat.

"Sir-"

"Elaine no." Pagpigil sa akin ni ma'am Anne at hinawakan ang kamay ko. "Hindi napipigilan si Nick kapag galit siya. Tibayan mo 'yang loob mo sa kung ano man ang makikita mo." Malungkot niyang bulong.

Alam kong naluluha na siya at ganun din ako. Pero wala naman akong magawa.

Dahan dahan ding pumasok ang mga kambal pa ni ZEM.

"Dad... let's talk in peace." Maayos na sabi ni TAM habang dahan dahang lumapit sa daddy nila.

"I'll give you, you three idiots, a chance for not having your brother get killed."

"O teka dad. Bakit pati kami ni Yu-Rhi idiot? Di ba pwede si ZEM lang?"

Sinamaan naman ng tingin ni sir si TAM. "Baka gusto mong ipatuli kita uli diyan?"

"Sige dad tatahimik ako. Pero ka-"

"SHUT THE FUCK UP!" Sabay na sigaw ni ZEM at Yu-Rhi kay TAM bago sila sumunod kay sir at iniwan si TAM doon.

Tinignan ako ng deretso ni sir at hindi ko maiwasang hindi mag baba ng tingin.

"I know you didn't tell every truth a while back. And I hope you'll do... now." Walang emosyon niyang sabi bago umupo katapat ko.

"Just relax and sit down sweetie." Malambing namang sabi ni ma'am bago umupo katabi ang asawa niya.

Walang iba tao dito kundi kami kami lang at tulog naman si Zaine sa kwarto kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan at matakot.

Kagaya nalang pagdating nilang mag asawa dito kaninang hapon, lahat ng pwede nilang itanong ay tinanong nila. Hanggang sa nalito ako at nahuli.

Dapat alam kong hindi lang basta matalino ang ama nila ZEM... pero hindi ko inakala na ganun siya ka intimidating.

Lumapit sa 'kin si ZEM pero hindi ko siya tinignan. Nakayuko lang ako. Naramdaman ko nalang na hinila niya ang kamay ko pa upo kasabay niya.

Uupo din sana sila TAM at Yu-Rhi sa sofa sa gitna pero pinigilan ng ama nila.

"You both stand up. You'll just gonna make things messier."

"Ouch dad." Nasabi ni TAM.

"Really old man?" Sunod namang sabi ni Yu-Rhi.

Pero kapwa sila nag lakad papunta sa likod ng mga magulang nila na kaharap namin.

Kung hindi ako nasa sitwasyong ito ngayon natuwa ako sa kanila. Riot kasi kapag magkakasama silang tatlo.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon