Simula

257K 4.8K 624
                                    

Love

Love is really mysterious. Ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang paliwanag sa bagay na ito. Everyone has different perspective about it that sometimes, they clash. Ganoon talaga sa mundo, hindi mawawala ang mga tao o nilalang na hindi open sa paniniwala ng iba. But love is really amazing and devastatingly beautiful.

Napapaisip ako kung paano nasasabi nang marami na ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Napapaisip ako kung bakit sa tuwing makaririnig ng salitang 'love', puso agad ang papasok sa isip at ang kulay na pula. Bakit pula? Pula na kakulay ng dugo. Dahil ba minsan, ang pag-ibig ay dahilan ng pagdurugo ng damdamin? Dahil ba minsan, ang pag-ibig ay dahilan ng pagdanak ng dugo? At dahil ba minsan ang pag-ibig ay kondisyon kung saan handa kang mag-alay ng dugo na katumbas para sa nilalang na tulad ko ay buhay?

At bakit ba puso? Puso ba ang nagbibigay ng palatandaan na ikaw ay nagmamahal? Puso ba ang nagdidikta ng nararamdaman? At paano kung walang puso ang nilalang? Ang ibig sabihin ba noon ay wala silang kakayahan na magmahal? Maraming tanong sa isipan ko na hindi ko alam ang sagot. At maraming tanong sa isipan ko na kapag nalaman ni Tatay ay tiyak na ikagagalit niya.

I'm just really curious about it. At namamangha pa rin ako sa pag-ibig na meron sila ni Nanay sa isa't isa. Iyong pag-ibig na hindi natitibag at nasisira kahit maraming unos na ang dumating sa kanila.

"Tulala ka na naman, prinsesa." Saad ni Kamila na abala sa pagsuklay sa buhok ko. Napanguso ako habang tinititigan ang sarili sa salamin. Ang maputla niyang balat ay masyadong matingkad laban sa itim na itim niyang buhok. Hindi gaya ng balat ko na bahagyang namumula lalo na sa bandang pisngi.

"I'm just thinking about something," I answered and sighed. Maliit siyang ngumiti at marahan na sinikup ang halos kulay ginto na buhok ko. Nagsimula siya na itirintas ito.

"Ano 'yon? Baka may maitulong po ako," marahan niyang sagot. Napangiti ako nang bahagya at muling bumuntong-hininga. Kamila is my personal maiden. Siya ang kasama ko sa maraming bagay. Siya ang nag-aayos ng mga isusuot ko na damit, ang paliliguan ko at iba ko pa na pangangailangan. She's a decade older than me. Ngunit halos hindi magkalayo ang agwat ng hitsura namin. Hindi siya mukhang lalampas na ang edad sa kalendaro. And it's not really surprising since she's a vampire.

"Nagmahal ka na ba, Kamila?" tanong ko. Sa tagal ko siyang nakasama na nagsimula noong six years old ako ay hindi ko pa rin alam ang mga personal na bagay ukol sa kaniya. We are always talking about my boring day, about girly stuffs and nonsense things. And now, shock is evident on her face. Marahil sa pagtatanong ko sa kaniya ukol doon. Nawala ang pagkabigla sa mukha niya at maya-maya ay ngumiti.

"Oo naman po, prinsesa. Hindi lamang iisang beses," aniya. Kumunot ang noo ko sa pagtatakha at hindi na ako nakuntento na tignan siya sa aming repleksyon. Nilingon ko siya at tinitigan mabuti.

"Ha? Paano 'yon? Ang alam ko isang beses lang nagmamahal ang isang bampira? Iyon ay kung tunay ang naramdaman niya sa isang nilalang. Ano ang ibig mong sabihin?" sunod-sunod kong tanong. Bahagya siyang umiling at pinagsiklop ang kamay. Ang itim na itim niyang mga mata ay nakadirekta sa akin ngunit alam kong nasa ibang ibayo ang kaniyang isip. It's like she's reminiscing.

"Prinsesa, tunay ngang wala ka pang gaanong alam sa mundo," panimula niya. Bahagya akong napasimangot ngunit hindi na umimik. Kasi tama naman siya. Tatay and Nanay almost caged me here inside the palace for they are afraid that I'll be lost like what happened to him. Minsan lamang ako nakalalabas dito at puro bantay pa. "Ang pagmamahal ay hindi lang naman para sa babae at lalake. Maraming uri ng pag-ibig. Katulad ng pagmamahal mo sa iyong ama, at sa iyong ina. 'Di ba?" She smiled tenderly reminding my Nanay's smile.

Napanguso ako, "Kamila naman! Hindi naman kasi 'yon ang tinutukoy ko. I mean about the love that my parents have for each other," I eagerly said. She chuckled a bit and nodded.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now