Kabanata 2

71.1K 3K 885
                                    

Ang Pangit!

As expected, wala na sila paggising ko. Like the usual, I smiled for the start of my day. Agad ko ring hinanap si Kamila ngunit katulad kahapon ay hindi ko siya nakita. I'm now wondering where she is. Sa tagal na niyang nanilbihan sa 'min, ngayon lamang siya lumiban. Simula kahapon. I hope she's okay wherever she is.

Hindi man kami ganoon kalapit sa isa't isa dahil bahagya siyang mailap sa 'kin, masasabi ko naman na parte na siya ng bawat araw ko.

Halos makalimutan ko na rin ang mga nangyari kahapon dahil sa sobrang pananabik sa gagawin ko ngayong araw na 'to.

Nag-asikaso ako ng sarili bago bumaba at kumain para sa umaga na 'yon. Tinaasan ko ng kilay ang mga kasambahay na nakahilera at napangisi nang makita na pantay na pantay ang kanilang linya.

"Very good.." Tumango-tango ako at hindi sila iniwanan ng tingin habang kumakain.

Halata naman ang paninigas nila. I want to laugh so bad while seeing them so tense on their spots. Sa sobrang pagkainip ko rito sa palasyo, madalas sila ang napagbubuntungan ko. Trip ko sila. Sorry, not sorry.

"Oh? Oh?"

Tinuro ko ang babae na una sa pila. Lalo siyang nanigas at hindi natuloy ang akmang pagkamot sa tungki ng ilong. Kinunot ko nang mariin ang noo at tinaasan siya ng kilay. Halata ang kaba sa mukha niya.

"M-mahal na Prinsesa?" Her voice shook a bit. Nakipagtitigan ako sa kaniya at pinanliitan siya ng mata.

"H-hindi ka dapat kumilos. Alam mong ayaw ng prinsesa na hindi tayo maayos.." bulong ng nasa likod niya. Nginisihan ko sila saka humagikhik.

"Joke lang!" Humagalpak ako ng tawa. Tila nakahinga sila nang maluwag. Ngumuso ako at inayos ang sarili.

Ngiti-ngiti akong nagpatuloy sa pagkain at paminsan-minsan silang sinusulyapan. Halos hindi na sila kumilos sa pwesto, takot na punahin ko muli. I laughed mentally.

Bumalik ako sa kwarto at pumili ng maayos na maisusuot. Pinili ko na lamang ang long dress na kulay krema. Detalyado iyon at off-shoulder. I fixed my hair into a messy bun and wear a pair of diamond earring. Tinignan ko ang sarili sa salamin at napangiti.

Pinulot ko ang kulay maroon na cloak sa ibabaw ng aking kama. May mga disenyo 'yon na mga gintong linya. Isinabit ko ito sa aking braso saka huminga nang malalim. Wearing a white doll shoes, I walk downstair while tiptoeing. Ngunit nang may mapagtanto ay natampal ko ang pisngi at humalo sa hangin.

Dahan-dahan akong nagmulat. At sa sobrang kasiyahan ay napatalon ako. I succeed. Nakalabas ako ng palasyo! Walang iniwan na mahika si Nanay na kontra sa teleportation palabas ng palasyo.

Ngiting-ngiti ako habang naglalakad. Habang tumatagal ay may nakakasalubong na akong mga nilalang. They will look on me curiously. They are trying to recognize me. Alam ko na hindi nila ako ganoon kakilala dahil lagi akong nakakulong sa palasyo. Ang mga kawal at kasambahay lamang ang laging nakakakita sa akin kaya naman ang mga mamamayan ay hindi ako gaano maalala. Ang iba sa kanila ay nakalimutan na kung sino ako. Minsan lang naman nila ako nakita simula nang mawala ang kakambal ko.

Hindi ko mapigilang mamangha habang naglalakad-lakad. Ilang taon na rin ang lumipas simula noong makapaglakad-lakad ako rito. Ang mga nagtataasang bahay at mansion sa paligid ay masyadong bago na sa aking paningin. May iilang pamilyar pa rin sa akin, ngunit karamihan ay hindi na. Marahil dahil sa tagal na ng nagdaan na panahon kaya nagbago na ang halos lahat.

"Ano ang iyong pangalan, binibini?"

Natigil ako sa paglalakad nang humarang sa akin ang tatlong lalake na bampira. Maayos naman ang tindig at pananamit nila. They stared at me with a smile.

Beauty and the DemonOnde histórias criam vida. Descubra agora