Kabanata 34

53.2K 2.4K 549
                                    

The heart and moon

Hindi ko alam kung bakit ganito kalupit sa akin ang buhay. Hindi ko makamit ang pagmamahal na inaasam mula sa aking magulang, labis na sinaktan ng lalake na aking minahal, at ngayon ay minamahal ng kapatid sa paraan na hindi dapat. I feel so lost. Hindi ko alam kung may maganda ba akong dinudulot sa buhay na 'to, ngunit sa tingin ko ay wala. Hindi ko na maintindihan at hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin. Masyado na rin akong nahihirapan. I suddenly want to be lost. 'Yung malayo sa lahat at mamuhay ng tahimik.

I stared at the wall blankly. All the things that happen to me are painful. It is tragic and I can't help but to wish for my end. Nawawalan na ako ng pag-asa buhay ko dahil sa hirap at sakit na nararanasan. Sobra-sobra ang sakit sa puso ko, buong pagkatao ay nanginginig sa sakit at hirap. Siguro ay ipagkakait talaga sa akin ang kasiyahan?

Tumayo ako at nagsimula na maglakad. Dinala ako ng aking paa sa hardin at maraming mga alaala ang dumaloy sa aking isipan. How I wish I can just turn back to the time, noong bata pa ako at masaya pa kasama ang aking pamilya. 'Yung walang pinoproblema at purong kaligayahan lamang. Ngunit imposible na mangyari 'yon. And it's the most painful thing about memory. It will remain as one, and you're are at the present. Mananatiling umasa na bumalik ang mga panahon na 'yon o 'di kaya ay hilingin na sana ay hindi na lamang nangyari ang bagay na 'yon.

I saw a butterfly peacefully flying around. It's free to roam around and encounter the beauty of nature. At siya mismo ay napakagandang tignan. I wish I could be a butterfly. Free and beautiful in a way that makes everything around more beautiful. Dahil ngayon ay hindi ko magawang matuwa sa sarili ko. It's like, I am a beautiful curse. A beauty that brings chaos to everyone. Walang magandang dulot.

"Patrisha.."

Dahan-dahan ko siyang hinarap. His dark eyes stared at me. Hindi ko magawang ngumiti sa kaniya habang tinitignan siya. Maraming tanong sa isip ko at nangingibabaw roon ay ang tanong na kung ano ang nangyari. Bakit umabot sa ganitong punto?

"Kuya," I called him back. Kumunot ang kaniyang noo, tila hindi nagustuhan ang aking sinabi. But I didn't flinched and stared at him with finality. Gusto kong ipakita sa kaniya na 'yon at 'yon kami, hindi magkukulang at hindi lalagpas. Kapatid ko siya, kapatid niya ako. Kambal kami. We share the same blood and flesh.

"Hindi ako ang kuya mo, Patrisha. Stop calling me—"

"You're my kuya Dustin. H'wag mo ng itanggi," mariin kong saad. He stared at me seriously and with a hint of madness. "Kitang-kita na, itinatanggi mo pa. And I know you can feel it!"

"I can't feel it! Hindi ko nararamdaman ang sinasabi mo dahil ang nararamdaman ko lang sayo ay pagmamahal!" Tumaas ang boses niya. I flinched. Napailing-iling ako at hindi matanggap ang kaniyang sinasabi. Kung iisipin nang mabuti ay nakakapanindig-balahibo. I'll never accept this.

"Stop this!" I shouted back.

"Unang kita ko pa lang sayo ay iba na ang nararamdaman ko. Magaan ang loob ko sayo, at 'yung puso ko, it's on peace and in pure delight whenever I'm wi—"

"Because we are twin! Nararamdaman niya 'yon, nakikilala niya ako! Naaalala niya ang mga bagay na hindi maalala ng utak mo. Please kuya, stop this!"

"No!" Mariin siyang umiling. Umigting ang kaniyang panga at bakas ang pinalidad sa kaniyang ekspresyon na para bang sigurado siya sa lahat. Lalo akong nakaramdam ng panghihina. "Alam ko 'to, alam ko ang nararamdaman ko. Maha—"

"Stop!" I cried. Mariin akong umiling at napahawak sa dibdib na labis na nananakit. "Wake up, Dustin! Mali ang naiisip mo! Napagkakamalan mong pag-ibig para sa isang babae ang nararamdaman mo ngunit hindi! Pagmamahal 'yan para sa isang kapatid. Hindi ka ba marunong kumilala ng uri ng pagmamahal!?" I shouted.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now