Kabanata 9

60.6K 2.3K 424
                                    

Hell

"You're kidding, right?" I can't hide the bitterness and anger on my voice. I want to control it because it is Nanay whom I talking with. But the situation isn't helping.

"Patrisha.." she touched my arm. Tinitigan ko ang magaan na haplos noon sa aking balat.

"Ano, 'nay? Tatay? Isa ba 'to sa mga pakulo niyo?" Tanong ko. Lumapit na rin si Tatay. Hindi makita ng ibang bampira ang reaksyon ko dahil nakaharang sa akin si Nanay at Tatay. Ayoko rin naman gumawa ng eksena pero kung ganito lang din pala, baka 'di ko mapigilan ang sarili.

Tinikom ko ang bibig. I can feel my tears at the corner of my eyes, ready to fall. But I tried my best to stop it.

"Ano po? Sagutin niyo ako! Kalokohan lang 'to, 'di ba? Hindi niyo magagawa sa akin 'to!"

"This is the best for you, Patrisha. You need to marry him!" Mariin na saad ni Nanay. And I lost my control.

Mas naging malinaw ang paningin ko. Sigurado ako na kulay pula na ang aking mga mata. My fangs became visible and my nails grew longer.

"This is bullshit!" I shouted! Nanay's eyes widen and in a snap, we are already on Tatay's room.

Lumayo ako sa kaniya at sinipa ang mesa na nakita. Tinabig ko ang lahat ng nakikita at sinira ang lahat ng gamit. Hindi ko pinakinggang ang pagsigaw ni Nanay- pinapatigil ako.

"Patrisha Azriella! Stop it!" Nanay shouted. Lumapit sa akin si Tatay at pilit akong hinawakan. Hindi ko nakontrol ang sarili at nakalmot siya. Humagulhol ako hanggang sa natigil sa pagkilos dahil nakulong ako sa malaking bilog.

My knees weakened. Sumalampak ako sa sahig at tinakpan ng palad ang mukha.

"Hindi niyo gagawin sa akin 'to!" I shouted while crying. Sinulyapan ko sila at nakita ang malungkot nilang mukha. My heart clenched.

"Bakit niyo ako ipapakasal sa lalake na hindi ko kilala!? Ni hindi ko pa naranasan ang tunay na buhay, tapos ikukulong niyo ako sa panibagong yugto ng buhay na hindi ko pa napaghahandaan! Is he even my mate? No!" Pinunasan ko ang luha at nagmamakaawa silang tinignan. "Bakit ganito, Nanay? Bakit ganito, Tatay?"

Lumapit si Nanay. Nawala na ang bilog na pinagkulungan sa akin. Her eyes were also clouded with tears but I'm already very hurt to even think on what she's feeling.

"Para 'to sa'yo. This is the best for you, anak.."

Nanlaki ang mata ko at tumayo. Umatras ako at umiling. Kumuyom ang kamao ko at hindi pinansin ang pagbaon ng kuko sa aking palad. I don't care if blood are dripping out from it. Tatay hissed and tried to go near me but I shook my head.

"Ngayon, anak? Anak ang itatawag mo sa akin, Nanay? And that is the best for me? Paano mo nasabi! Hindi iyon ang best para sa akin. Iyon lang ang tingin mo, pero hindi! Kahit kailan hindi niyo tinanong kung anong gusto ko! Hindi niyo ako pinagbigyan sa gusto ko!"

"Patrisha!" Tatay called me. Humagulhol si Nanay. Agad siyang niyakap ni Tatay.

"Tapos ngayon, ako ang mali? Ako pa ang kagagalitan niyo? Alam niyo ba kung ano ang bagay na gusto ko? Alam niyo ba kung ano? Siyempre hindi. Because you never asked me. Ang gusto ko lang naman ay ang atensyon niyo! Ang oras niyo! A-ang pagmamahal niyo. Sobra-sobra ba 'yon para 'di ako pagbigyan? Sobra-sobra ba 'yung hinihingi ko, Nanay? Tatay? Sobra po ba? Kung sobra po, sana kahit kaunti lang. Kahit tira-tira lang. Pero halos ipinagkait niyo pa 'yon sa akin. Tapos ngayon, sinasaktan niyo pa ako nang ganito! Kinulong niyo ako- pumayag ako kasi pakiramdam ko kasalanan ko rin 'yon. Pero 'yong ipakasal niyo ako sa kung sino lang? Iyong hindi niyo ako pinagbigyan na pumili. Kasi po, iyong pagmamahal na lang ng hindi ko pa kilalang mate ang inaasahan ko. Iyong pagmamahal niya na lang kasi, sigurado ako na mamahalin niya ako nang sobra. Hindi siya magiging tulad niyo na pinagkakaitan ako. Pero ano, ipagkakait niyo pa 'yon?"

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now