Kabanata 45

47.7K 2.3K 729
                                    

Goodbye

Ganoon pa rin ang nangyayari sa mga sumunod na araw. Nakatanaw si Dmitri sa akin habang may ginagawa ako, and if he had a chance, he'll try to help me. At nararamdaman ko ang panonood sa amin ni Siana. Nadadatnan ko siyang nakatitig sa akin saka tipid na ngingiti at babalik sa ginagawa. I know she wants to say something. And I want to know her thoughts, dahil baka may maayos siyang naiisip sa sitwasyon ngayon.

Gulong-gulo na kasi ako. Hindi ko na maintindihan ang dapat maramdaman. Kung ano ang nangyayari. Ang nakatatak sa isipan ko ay papatayin ako ni Dmitri sa panahon na nais niya. Ngunit hindi ko na makita sa kaniya ang bakas noon ngayon. Nagkakaroon ako ng pag-asa. Ngunit ayoko rin naman umasa dahil ayoko mabigo sa huli.

And I need someone's guidance and advice. Kaya nga humahanap ako ng tyansa na makausap si Siana ngunit tila nakikisama sa akin ang pagkakataon dahil si Siana na mismo ang lumapit sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari noon, Azriella. Ngunit ngayon, hindi ko maintindihan ang sinabi mo noong nakaraan na malabo na maayos at mabuo ang pamilya mo. Lalo na't nakikita ko kung paano ka tignan ni Master," aniya. Tumungo siya sa kwarto ko.

"Siana, nahihirapan kasi ako isipin na posible pa 'yon. Ayoko ng umasa. Malabo ng mangyari dahil iba na ngayon," sagot ko at umiling. Kamatayan na ang sasapitin ko sa kamay ni Dmitri.

"Malabo mangyari dahil iba na ngayon? Baka naman isip mo lang ang gumagawa ng ganiyang rason, Patrisha?"

Sandali akong natigilan at napatitig sa kaniya. Napailing siya at hinawakan ang kamay ko.

"Ayaw mo na ba? Pakiramdaman mo dito," tinuro niya ang banda kung nasaan ang puso ko. I sighed. Alam ko ang sagot kahit hindi na pag-isipan nang sobra at pakiramdaman.

"Masyado na kaming nagkasakitan," I whispered.

"At 'yon ang kailangan niyong pag-isipan ni Master. Kung mas matimbang na ba ang sakit kesa sa pag-ibig. Kung hahayaan niyo na mawala ang pagmamahal dahil nangingibabaw na ang sakit, o ayusin at gamutin ang sakit ng isa't-isa dahil mas kailangan niyo ang pagmamahal ng isa't isa. Alalahanin mo ito, hindi puro kasiyahan ang nilalaman ng pag-ibig, Patrisha. Halo-halo ito ng ibang emosyon. At nakadepende ito sa pagpili. Kung mas pipiliin niyo ang isa't isa sa kahit ano mang pagkakataon," mabait siyang ngumiti sa akin at hinaplos ang aking buhok. Sandali akong napapikit,"daraan sa inyo ang napakabigat na problema, at susubukin kayo nito. At pakiramdam ko ito na 'yon. Alam mo ba kapag nalagpasan niyo 'to, mas titibay kayo. Mas hihigit pa ang pagmamahal niyo. At papasalamatan ang sarili na nanatili kayo. Basta't kapwa niyo piliin ang isa't-isa. Palagi. Iyon ang sekretong rekado ng habambuhay na pag-ibig."

Hindi ako pinatulog ng mga sinabi ni Siana. Tumatak iyon sa isipan ko. At gusto ko siyang paniwalaan, at pinapaniwalaan na siya ng puso't isipan ko. Ngunit may masakit na tanong sa isipan ko. Nais rin ba ni Dmitri iyon?

"Isipin mo rin ang anak mo—anak niyo. Tiyak sabik siya sa pagmamahal ng isang ama."

Sabik rin ba siya na makasama ang anak namin?

Maraming tanong at halos baliwin ako ng mga ito. And it will be remained unanswered kung hindi ko 'to tanungin sa kaniya. Kaya nagplano ako na tanungin siya. But then I remembered, it is now Dmitri, not Makheus. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay mas nararamdaman ko sa kaniya si Makheus.

I want to shout, out of frustration. I have a lot of doubts, and it's not helping.

Kaya napagpasyahan ko na pakiramdaman muna ulit siya upang masiguro na nasa tamang lugar ako kung sakaling tanungin ko siya.

Paano kung humindi siya? Ibig sabihin noon, wala ng pangalawang pagkakataon sa amin at malaki ang tyansa na patayin na nga niya ako. At kung gustuhin naman niya ang panibagong pagkakataon sa amin, ibig sabihin ba ay napatawad ko na siya sa mga kasalanan niya sa akin? Sa pamilya ko?

Beauty and the DemonDär berättelser lever. Upptäck nu